Kabanata 15

Natulala sina Yvonne at Blake. Ang Wilbur Penn ba na binanggit ni Faye ay ang taong nasa isip nila? Pagkatapos, nagbuntong hininga ng mahina si Wilbur. Wala siyang plano na ibunyag ang pagkakakilanlan niya, ngunit naiintindihan niya ang pinanggagalingan ni Faye. Gusto lang ni Faye na ipaghiganti si Wilbur. Ngayon at umabot na ang lahat sa puntong ito, ang tanging pwede niyang gawin ngayon ay ang umakyat sa entablado. Tumingin si Wilbur kay Gordon at sinabi niya, “Sandali lang muna. Babalik ako.” Tumitig si Gordon kay Wilbur at hindi siya makapaniwala. Si Wilbur ba talaga ang may ari ng Cape Consortium? Kung ganun, isang pambihirang tao talaga siya. Mabagal na naglakad si Wilbur papunta sa entablado. Nang makumpirma na ni Blake at Yvonne na ito talaga ay si Wilbur, parehong silang may hindi mawari na ekspresyon sa kanilang mga mukha. Tahimik na tumabi si Faye habang kinuha ni Wilbur ang mic. Lumingon siya upang tumnigin kela Blake at Yvonne. Ang magkasintahan ay bayolenteng nanginig habang puno ng takot ang kanilang mga mata. Kung si Wilbur ay ang may ari talaga ng Cape Consortium, talagang masama ito para sa kanila. Sa sandaling ito, nagsalita ng mabagal si Wilbur, “Hindi ko balak na ipakita ang mukha ko, pero dahil ito na ang ginawa ni Ms. Yves, magsasabi ako ng ilang salita para sa masayang magkasintahan.” Napuno ng katahimikan dahil sa mga sinabi ni Wilbur. Si Wilbur Penn, na siyang tumatambay lang at tamad ng tatlong taon bago pinalayas, sa huli ay siya pala ang tunay na boss sa likod ng Cape Consortium. Bukod pa dito, nagpakita pa siya sa kasal. Mahirap ito paniwalaan at nakakatakot ito. Ang ilang mga tao sa madla ay nag aalala na para sa pamilya nila Blake at Willow, dahil ang tunay na kapangyarihan sa likod ng Cape Consortium ay nandito lang pala. Nanginginig talaga sa takot sina Blake at Yvonne. Wala silang ideya na si Wilbur pala ang may ari ng Cape Consortium. Ginalit talaga nila ang isang makapangyarihang tao. Paano na sila mabubuhay ng payapa simula ngayon? Habang iniisip kung paano hinarap ni Faye ang investment sa Woods Corporate, may napagtanto si Blake, pinagpawisan siya at napuno ng takot ang dibdib niya. Hindi mapigilan ni Yvonne ang manginig. Ang tunay na pagkakakilanlan ni Wilbur ay nakakatakot ng sobra. Isa siyang napakalaking tanga para makipag divorce kay Wilbur. Sa tunay na kapangyarihan ni Wilbur, hindi maisip ni Yvonne kung ano ang mangyayari kung naghiganti si Wilbur sa pamilya Willow. Mas lalong natakot ang magkasintahan, ngunit nakangiti lang si Wilbur. “Heto, gusto kong batiin ang bagong mag asawa at sana ay may masayang buhay silang magkasama ng habang buhay. Maraming salamat sa lahat.” Pagkatapos ng speech niya, ngumiti si Wilbur kay Blake at Yvonne bago siya bumaba ng entablado at bumalik siya sa kanyang upuan. Sa sobrang gulat nila Blake at Yvonne ay hindi sila makaimik. Natulala din ang host, hindi siya sigurado kung paano siya magpapatuloy pagkatapos nito. Sa sandaling ito, lumapit si Faye sa microphone ng may seryosong ekspresyon. “Nakatanggap kami ng tawag mula sa mga representative namin sa board of directors ng Woods Corporate. Magulo ang finances ng Woods Corporate, at sila ay gumawa sila ng tax fraud. Ang team namin ay tumawag na ng pulis at sinabihan na rin ang board of directors. Lahat sila ay bumoto na si Blake Woods ay tatanggalin sa posisyon niya bilang isang director.” “Hindi niyo ito pwedeng gawin!” Naintindihan na ni Blake kung bakit pumayag ng madali si Faye na mag invest sa Woods Corporate at kung bakit maraming tao ang sumama sa board of directors. Nahulog na siya sa patibong nila sa simula pa lamang. Ang lahat ng tungkol sa financial supervision ay isang dahilan lang. Ang gusto talaga ni Faye ay ang patalsikin si Blake at agawin ang Woods Corporate. Ang masamang babaeng yun ay nagsisinungaling sa kanya ng hindi man lang nakokonsensya. Sinabi ni Faye na ang Cape Consortium ay walang pakialam sa isang maliit na kumpanya na tulad ng Woods Corporate. At nahuli pa si Blake sa patibong na ito! Mabilis na lumapit si Blake kay Faye, tumuro siya habang nanginginig ang kamay. “Isang patibong ito, masamang patibong! Sa akin ang Woods Corporate. Walang kahit sino sa inyo ang makakakuha nito!” Ngumiti si Faye at sumagot siya, “Ganun ba? Ginagamit lang namin ang legal na paraan. Pwede mo akong kasuhan kung may problema ka tungkol dito.” “Ikaw!” Sa sobrang galit ni Blake ay umubo siya ng dugo. Nataranta si Yvonne nang makita niya ito, sinabi niya, “Ms. Yves, hindi niyo ito pwedeng gawin. Anong basehan ng pagsisisante niyo kay Blake?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.

Terms of UsePrivacy Policy