Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 1802

Bumalik si Wilbur sa kanyang tinutuluyan, patungo sa silid ni Demetra at inihagis dito ang isang liham. "Tingnan mo, may sulat para sayo. Naaalala ka pa yata talaga ni Miyah." Kinuha ni Demetra ang sulat, kalmado ang kanyang ekspresyon. "Pareho kaming ulila ni Miyah. Kaya naman kilalang-kilala namin ang isa't isa, at mas lalo naming pinapahalagahan ang isa't isa." Tumango si Wilbur. "Kaya kailangan mong mabuhay para sa kanya." "Oo, wag kang mag alala. Tutal, matagal akong nabuhay. Bakit naman ako susuko ng biglaan?" Ngumiti si Demetra kay Wilbur, at ang kanyang ekspresyon ay parang hindi niya gustong mamatay. Nakahinga ng maluwag si Wilbur. "Mukhang hindi ka naman ganun kalamig kung tutuusin." "Tama ka. Hindi ako malamig na tao. Iniipon ko lang ang init at lambing para sa mga taong mahal at pinapahalagahan ko. Malaki ang mundo. Hindi ko pwedeng pahalagahan ang lahat ng tao, hindi ba? Tsaka, ilang tao ang nag-abala sa pag-aalaga sa akin noong ako ay naninirahan sa mga lansangan?" Natahimik si Wilbur. Alam niyang si Demetra ay isang taong maawain, ngunit pinilit siya ng kanyang mga kalagayan na maging pragmatic tungkol sa mga bagay-bagay. "Kung ganun, babalik na ako dahil nakuha mo na ang sulat." Bumalik si Wilbur sa attic, nakaupo sa kanyang kama na naka de kwatro para magpahinga. Dahil sa nakaraang dalawang araw ng pahinga, malinaw na nararamdaman ni Wilbur na ang kanyang mga skills ay bumuti ng susunod na level. Nang gabing iyon, nakatanggap siya ng tawag mula kay Witter. "Kumusta ang potion na ibinigay ko sa iyo, Mister Penn?" "Sa totoo lang, mabuti ito. Kung pumayag kayo na bigyan pa ako nito, papayag akong tumulong sa inyo." "Masaya akong marinig ito, Mister Penn. Sa totoo lang, nakatanggap ako ng isang misyon. May darating na maghahanap sayo ngayong gabi, at gusto ka niyang patayin. Syempre, umaasa kami na sa halip ay papatayin mo siya. Kapag nagawa mo na at napatunayan mo ang iyong lakas pagkatapos mong inumin ang blue potion, gagantimpalaan ka namin nang naaayon." "Ano? May nagtangkang pumatay sa akin?" "Tama. Ito ay isang lalaking may pangalan na Barett. Iyon lang ang masasabi ko sa iyo sa ngayon, Mister Penn. Sa totoo lang, hindi namin akalain na magiging karapat-dapat ka pagkatapos ng huling misyon, pero baka kaya mong mabuhay kung papatayin mo siya ngayong gabi." "Sige. Siguradong papatayin ko siya." Ibinaba ni Wilbur ang tawag at alam niyang ito ay isang pakana na itinakda ng Lantech at Greensource Corp para ma-brainwash siya tulad ng ginawa nila kay Mondorra. Sapat na ang kapangyarihan ni Mondorra, ngunit handa siyang ipangako ang kanyang katapatan sa Greensource para lang makuha ang blue potion. Ang blue potion ay maaaring mapabuti ang kapangyarihan ng isang cultivator. Kapag napatunayan ng isang cultivator na naging mas makapangyarihan sila, tiyak na mananatiling tapat sila sa Greensource Corp hangga't bibigyan sila ni Witter ng mas maraming potion. Iyon ang plano nila. Gayunpaman, may bagay na hindi alam ang Greensource Corp. Si Wilbur ay hindi ang uri ng tao na sumali at nangako ng kanyang katapatan sa anumang grupo nang ganoon kadali. Kung hindi, hindi niya sana nilikha ang Abyss Mercenaries noong araw sa halip na sumali lamang sa ilang random na grupo. Kaya, ang plano ni Witter ay nakatadhana na mabigo. Na-curious lang si Wilbur na makita kung gaano kalakas ang lalaking darating ngayong gabi, lalo na kung ikukumpara kay Light at Shadow. Pagsapit ng mas malalim na gabi, naramdaman ni Wilbur ang isang alon ng spiritual energy. Iminulat niya ang kanyang mga mata at bumangon sa kama bago tumungo sa balkonahe. Sunod-sunod na yabag ang umalingawngaw, na sinundan ng malamig na boses na nagmumula sa likuran ni Wilbur. "Ikaw siguro si Wilbur Penn."

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.