Kabanata 1818
Sa sandaling yun, hindi napigilan ni Tina na suminghal sa bakas ng kahihiyan at takot sa mukha ni Grote.
Tumingin si Grote sa kanya. "Ano'ng nakakatawa?"
Umiling si Tina. "Sorry, hindi ko sinasadyang pagtawanan ka. Sa totoo lang, nirerespeto ko ang intensyon mo."
"Makikipaglaban ako kung ako sayo," sabi ni Demetra.
"Naku, hindi." Umiling si Grote. "Mag-isa ka lang doon. Hindi ako katulad mo. Siya nga pala, Mister Penn, pumunta ako dito dahil umaasa na matulungan mo ako. Nakapag-book na ako ng flight pabalik ng Allied States, at aalis na ako ng umaga. Pwede ba ako magpalipas ng gabi dito? Ayaw ko talagang mamatay.”
"Sige, ayos lang. Pwede kang tumuloy. Gumaling na ang katawan ko ng halos buo. Kakalabanin ko si Toshen kapag nagpakita siya."
Bumangon si Wilbur mula sa kama, nag unat siya sa harap ni Grote para ipakita. Sa totoo lang, naiintindihan ni Wilbur kung ang ang pinanggagalingan ni Grote. Sa kabila ng katotohanan na si Grote ay isa ring cultivator, ang kanyang sariling amo ay hindi nagawang talunin si Toshen, kaya bakit si Grote ay nagsasakripisyo ng kanyang sarili nang ganoon?
Hindi nagkamali si Grote na umatras mula sa malubha ang sitwasyon. Bukod pa rito, napakahirap para sa isang cultivator na makarating sa peak Sanctuary level, at sino ang nakakaalam kung gaano kalakas si Grote sampung taon pagkatapos ng araw na ito?
"Natatakot ako na ang lalaking itong si Toshen ay hindi magiging madali harapin, Mister Penn. Ako na ang haharap sa kanya kapag nagpakita siya."
"Ayos lang. Ako na ang haharap sa kanya. Tutal, naka-recover na ang katawan ko."
Alam ni Wilbur na darating si Toshen para hanapin siya at isisisi ni Toshen kay Wilbur ang pagkamatay ni Barett. Ngunit si Barett mismo ay kusang-loob na hinamon si Wilbur, at ang kanyang kamatayan ay hindi masisisi sa sinuman.
Nakipag-kwentuhan si Grote sa iba nang kaunti. Nang makitang tila tinanggap siya ng lahat, ipinakita niya sa kanila ang kanyang kapangyarihan. Si Grote ay isang earth-type cultivator. Sa isang sigaw, ang kanyang earth-type na spiritual energy ay lalawak nang mabilis at mabilis na lumaki ang kanyang mga muscle.
Mahigit anim na talampakan na ang taas ni Grote, at ang pag-activate ng kanyang earth-type na kapangyarihan ay nagpalaki sa kanya ng hanggang tatlong metro ang tangkad. Nagmistulang malaking bato ang kamao niya nang pinahigpit niya ito.
Tumingin si Wilbur kay Grote. Nag cultivate si Wilbur ng parehong uri ng hunder-type at earth-type powers, at ang earth-type powers ni Grote ay lubos na nagbibigay inspirasyon sa kanya.
Dahil pareho silang mga defense powers at earth-type cultivation methods ay maaaring gumawa ng earth wall sa labas, magagawa ba nitong bumuo ng isang earth-type defense mechanism sa loob?
Pagkatapos ng hapunan, inanyayahan ni Wilbur si Grote sa balkonahe. Sa kahilingan ni Wilbur, nilabas ni Grote ang kanyang Earth-type na spiritual energy at naging isang higanteng may tangkad na tatlong metro na dumurog sa mga higanteng bato na inihanda sa pagkapira-piraso.
"Mister Grote, maaari mo bang sabihin sa akin kung paano napapalaki ng sobra ng iyong mga Earth-type powers ang iyong katawan at mga musclesi?"
"Syempre! Tutal, malaki ang naitulong mo sa akin. Sikreto ito ng aking master, si George, na ipinasa sa akin, ngunit ngayong wala na siya, hindi ko na kailangang ilihim pa ito. Ang Earth-type powers ay napakatibay. Hangga't maaari mong ilabas ang mga limitasyon ng iyong katawan at gamitin ang iyong Earth-type powers upang suportahan ito, ikaw ay magiging napakalakas. Parang mas marami kang energy sa kamao mo kapag humigpit ito.”
Tumigil sandali si Wilbur, bago sinabing, "Ganito ba ang ibig mong sabihin, Mister Grote?"
Mabilis na lumaki ang katawan ni Wilbur, at hindi nagtagal ay tumayo siya nang humigit-kumulang tatlong metro, malaki at puno ng lakas ang muscles niya.