Kabanata 1135
Tinigasan ni Madeline ang kanyang puso at inilayo ang kanyang braso nang tumalikod siya para bumalik sa kanyang kotse.
Umihip ang simoy ng hangin at tumulo ang luha sa kanyang pisngi.
'Bumalik ka sa mundo ko Jeremy, para lang iwan ako ulit.
'Saan ba tayo nagkamali? Gusto lang naman kitang mahalin, ganoon ba kahirap yun?'
Lumunok nang matindi si Madeline.
Akala niya na lumalaki na ang agwat nila sa isa't isa, ngunit ilang hakbang pa lang niya ay biglang lumapit sa kanya ang lalaki para yakapin siya mula sa likod.
"Wag kang umalis Linnie."
Itinaas nito ang braso nito para ibalot ito sa leeg niya ang ang isa ay bumalot sa baywang niya. Ang matinding kagustuhan at pagmamahal nito para sa kanya ay sumasabog sa loob nito.
"Sinabi mo sa akin na mamahalin mo ako kahit magbago pa ako. Ganon din ako Linnie. Hangga't ikaw pa rin ang Linnie ko, di kita pakakawalan hanggang sa huling hininga ko."
Tumulo ang luha ni Madeline mula sa sulok ng kanyang mata, tumulo sa likod ng kamay n

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link