Kabanata 1145
Habang tuliro, tinitigan ni Madeline ang madiilim na pulang tuldok ng dugo sa tissue. Bigla siyang kinapos ng hangin at dumilim ang paningin niya. Talagang wala siyang makita. Sa harap niya ay isang walang hanggang kadiliman at pakiramdam niya sinasakal siya nito at pinapamanhid siya.
Di pa siya magaling. May lason pa rin sa katawan niya.
Nagsinungaling ito sa kanya.
"Linnie."
Narinig ang boses ni Jeremy mula sa labas kaya bumalik ang wisyo ni Madeline.
Tumayo siya habang nilalamig ang kamay at paa niya. Itinabi niya ss kanyang bulsa ang tissue. Habang pinupunasan ang luha sa sulok ng kanyang mata, pinilit niya ang kanyang sarili na ngumiti at bumaba ng hagdan.
Sumalubong sa kanya si Jeremy na nakasuot ng puting T-shirt na pinili niya para dito. Saktong-sakto ang sukat nito sa katawan ng lalaki.
Lumapit ito sa kanya at ngumiti. "Kumusta? Ayos ba akong tignan?"
Tinitigan nang maigi ni Madeline ang lalaki sa harapan niya. Ang maliit na ngiting mayroon ito ay nagbalik sa k

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link