Kabanata 1269
‘Mukhang seryoso si Ryan sa sinasabi niya.’
Nagtatakang tumingin si Madeline sa kampanteng lalaki na nasa harap niya.
Subalit, walang kilala si Madeline sa Y Country. Paano naman niya pagsisisihan na hindi makita ang dalawang tao na tinutukoy ni Ryan?
“Sa tingin mo ba nagsisinungaling ako sayo?” Napansin ni Ryan na pinagdududahan siya ni Madeline. Biglang sinuot ni Ryan ang kamay niya sa kanyang bulsa at nilabas ang isang bagay. “Naaalala mo pa ba kung ano ‘to?”
Tiningnan ni Madeline ang bagay na nilabas ni Ryan at nakita niya na hawak ni Ryan ang isang jade bracelet. Biglang sumama ang ekspresyon niya.
Lumapit siya kay Ryan at kinuha niya ang bracelet.
Habang hawak niya ang malamig na bracelet para bang bigla niyang naamoy ang amoy ng isang taong malapit sa kanya.
"Mom…"
Agad na natauhan si Madeline at tiningnan niya ang mga salitang nakaukit sa bracelet. Nakumpirma niya na kay Eloise nga ang bracelet na ‘to!
Ito ang regalo ni Sean kay Eloise noong kinasal sila. Kaya naman, s

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link