Kabanata 1676
Nakangiting lumapit si Cathy kay Madeline at nagsabing, "Evie, mukhang nakabalik ka na sa dati mong sarili. Nawala na ba ang hipnotismo?"
Tumango si Madeline. "Lahat ng to ay dahil sa'yo, Cathy. Marami kayong naitulong ni Adam sa'min."
Nang marinig niya ito ay tumingin si Cathy kay Adam. "Marami ring naitulong sa'kin si Adam," sabi niya nang may taos-pusong pasasalamat sa kanyang mga mata.
Nang makasalubong niya ang tingin ni Cathy, nginitian siya ni Adam nang malumanay at palakaibigan.
"Gabing-gabi na, may maitutulong ba ako sa'yo?"
"May naiwanan ako rito kaya dumaan ako para kunin to."
Mabilis itong naintindihan ni Adam. "Hintayin mo ko."
Pagkasabi niya nito, tumalikod siya at pumasok sa bahay. Isang sandali lang, lumabas siya na may hawak na teddy bear.
"Nagpunta ka rito para rito, tama?" Ngumiti si Adam at inabot ito sa kanya. "Gustong-gusto ni Juan na matulog kasama ng laruang to. Magwawala siya kapag hindi niya kasama ang teddy bear na to."
Nang marinig iyon ni

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link