Kabanata 684
"Hmph, hindi mo kami kilala? Siguro naman nakita mo na kami sa telebisyon, di ba? Mga desperado kami, mga mamamatay tao. Kuha mo?"
Nanlaki ang mga mata ni Karen sa sinabi ng dalawa. Pinagpawisan siya ng malamig sa sobrang takot.
'Mga mamamatay tao sila!'
"Hindi mo kailangang matakot. Sa ngayon, hindi ka muna namin papatayin kasi magagamit ka pa namin."
Pagkatapos ay hinawakan ng dalawa si Karen at kinaladkad siya palabas ng bahay.
"Anong binabalak niyong gawin?! Bitiwan niyo 'ko. Saklolo! Tulong…" Nagsisigaw sa sobrang takot si Karen.
"Bitiwan niyo siya!" Narinig ng old master ang kaguluhan at kakatapos lang niyang tawagan si Jeremy. Noon lamang siya lumabas ng kwarto sakay ng kanyang wheelchair.
"Iligtas mo 'ko, Dad! Dad!" Sumigaw si Karen.
Subalit, hindi nagpaabala ang dalawang lalaki sa old master. Inangat nila ang kanilang binti at sinipa ang wheelchair ng matanda. "Gusto mo na bang mamatay, tanda?!"
"Dad! Dad!" Noong makita niya na hindi gumagalaw ang old master

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link