Kabanata 926
Kumunot ang magagandang kilay ng lalaki nang naiilang. Nang hawakan ni Madeline ang kamay niya nang mas mahigpit, pwersahan siyang kumawala dito. Ang mababang boses niya ay napakalamig.
"Sinusubukan mo bang kunin ang atensyon ko kaya ginagawa mo ito? Di ako interesado sa mga buntis, kaya tigilan mo ang pagsunod mo sa akin."
Nang mawalan ulit ng laman ang kamay ni Madeline, tila ba sumunod rin ang puso niya at nawalan ng laman.
Hindi niya mapaniwalaan na hinahanap niya ang isang lalaking hindi siya kilala. Malinaw na nagsisimula na siyang kamuhian nito. Hindi siya sigurado kung dapat ba matuwa siya o lalong malungkot.
Dapat matuwa siya.
Lalo na't buhay pa siya.
Wala nang mas mahalaga pa sa kanya kundi ang makitang buhay ito at namumuhay nang maayos.
Sinabi niya sa sarili niya at hinabol ito. "Jeremy Whitman, wag kang aalis."
Nang pigilan siya ulit ni Madeline, nagmukhang hindi natutuwa ang gwapong lalaki. "Kapag ginulo mo ulit ako, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ito.

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link