Kabanata 291
Ang gamot na ginamit ni Gu Ruoruo para hamakin si Tang Ruochu ay galing pa sa ibang bansa. Pagkatapos itong imbestigahan ni Shijin ng mabuti, nakakuha na rin siya ng mahalagang clue.
Ito ay bagong gamot na ginawa sa isang pribadong pharmaceutical research and development center sa America. Ang gamot ay sinubukan pa lamang sa mga hayop at hindi pa sa mga tao.
Gayunpaman, kahit na hindi pa ito ginagamit sa mga tao, napunta pa rin ang gamot na ito sa black market.
Binili ni Gu Ruoruo ang gamot mula sa black market. Kung paano niya nalaman ang pinanggalingan nito, siya lang ang nakakaalam.
Umupo sa sofa si Tang Ruochu at binasa ang resulta ng imbestigasyon. Nakakunot ang mga kilay niya at mukha siyang seryoso.
Pagkatapos niya itong basahin, tumingin siya sa lalaki na nakatayo sa tabi ng French windows. “Shijin, paano natin ililigtas ang tatay ko?”
Tumalikod si Lu Shijin at binuksan ang kanyang bibig, “Kinontak ko na ang pharmaceutical center. Pinangako nila na gagawa sila ng lunas.”

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link