Kabanata 4

Kumain ng tanghalian sina Tang Ruochu at Song Anyi bago sila bumalik sa opisina. Sa sandaling pumasok sila sa pintuan, nakita nila ang ilan sa mga katrabaho nila ay nagaaway sa isang mainit na talakayin habang nasa tapat sila ng kompyuter. “Diyos ko, ito ba talaga ang lalaking tinitingalaan ko? Hindi ko to inaasahan sa kanya!” “Isang tingin ko palang ay alam ko na agad na matindi na ang mga nangyayari sa kanila!” “Naging masyadong pabaya siguro si Ji Yinfeng. Paano niya hinayaan ang sarili niyang maging paksa ng mga iskandalosong litrato? Nangangamba ako na ito ang magiging sanhi ng permanenteng pagkasira sa imahe niya sa publiko.” “Uy, Ruochu, Anyi, halikayo at tingnan niyo ito. Mayroong malaking pagbubunyag na may pamagat na ‘Ang Young Master ng Ji Group ay Nagdala ng Babae mula sa Nightclub Papunta sa Hotel, Ngunit Lalabas Lamang Makalipas Ang 3 Oras’.” Sabik na kumaway ang mga katrabaho nila Song Anyi at Tang Ruochu sa kanila at kumumpas para sila’y lumapit. Huminto saglit sina Tang Ruochu at Song Anyi bago pumunta sa direksyon ng mga katrabaho nila para sila ay samahan. Ang balita na si Ji Yinfeng at ang misteryosong babae ay kumakalat na parang sunog online. Ang photographer na nagpakawala ng mga litrato ay nakuhanan siya sa napakaraming makompromisong posisyon, kasama na ang pakikipaghalikan ni Ji Yinfeng sa babae, ang pagakbay sa kanya, at iba pang matalik na mga galawan. Bilang young master ng Ji Group, si Ji Yinfeng ay laging kumikilos ng galante at maginoo sa publiko, kaya’t siya ay iniidolo ng maraming sosyal na tao at siya ay lubos na sikat sa mga social media, tulad ng Weibo. “Hmph, napakasama niyang lalaki.” mapanuyang tinignan ni Song Anyi ang mga post. Pagkatapos, humarap siya kay Ruochu at sinabi, “Tara na. Hindi dapat natin hayaan ang mga post na ito na saktan ang mga mata natin.” ... Bumalik si Tang Ruochu sa kanyang upuan at hindi siya umiimik ni isang salita kahit na lubos siyang apektado sa mga post na iyon. Hindi nagtagal at nakatanggap siya ng tawag mula kay Ji Yinfeng. Nagdalawang isip si Tang Ruochu bago niya sinagot ang tawag ngunit hindi pa man siya nagkaroon ng pagkakataon magsalit ay sinabi ng pagalit ni Ji Yinfeng na, “Tang Ruochu, hindi ko kailanman inasahan na gagawin mo ito sa akin. Ito ba ang paraan mo ng paghihiganti? Sinadya mo bang ilabas ang mga litratong iyon para bumawi sa pakikipag sama ko sa kapatid mo?” Nalito si Tang Ruochu sa mga paninisi niya at sinabing, “Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo.” “Wag ka na mag maang maangan pa, Ruochu. Sinabi na sakin ni Ruoruo ang lahat! Alam ko na may alam ka tungkol sa relasyon namin, kaya’t nilabas mo lahat ng impormasyon sa press, ‘di ba? Ruochu, nabigo man kita pero hindi mo dapat ito ginawa. Nakatatandang kapatid mo si Ruoruo, kaya hindi mo siya dapat tinawag na babaeng nagtatrabaho sa nightclub,” ang sabi ni Ji Yinfeng. Rinig ang pagkadismaya ni Ji Yinfeng sa mga nagawa ni Tang Ruochu habang pinaparusahan siya nito. ... Hindi makapaniwala si Tang Ruochu sa kanyang mga narinig. Hunyo noon at mainit ang araw pero nakaramdam siya ng lamig na para bang nalaglag siya sa isang nagyeyelong kuweba. “Ha, nagpapatawa ka ba?!” Siya ang nanloko kay Tang Ruochu pero hindi man lang siya nanghingi ng kahit anong tawad o magbigay lamang ng paliwanag ngayon nakausap at tinawagan niya ito. Sa halip, pinagalitan at inakusahan niya lang si Tang Ruochu. Ito ang lalaking minahal niya ng higit sa 10 taon... Kalunos-lunos ang pakiramdam ni Tang Ruochu sa kanyang sarili. “Oo, gusto kong maghiganti sa inyong dalawa,” malamig at walang ekspresyon na sinabi ni Tang Ruochu kahit na ang puso niya ay nadudurog habang siya ay nagsasalita. “Ji Yinfeng, bakit hindi mo itanong sa sarili mo kung ni isang beses pinagtaksilan kita nung magkasama pa tayo? Ikaw ang naunang mangiwan, kaya hindi ko makita kung anong mali sa ginawa ko.” ... “Mali ang pagkakakilala ko sayo. Hindi ko kailanman naisip na isa kang mapaghiganting babae,” ang buong pagkadismayang sinabi ni Ji Yinfeng. ... “Hindi ko rin kailanman naisip na makikipagrelasyon ka kay Gu Ruoruo,” sabi ni Tang Ruochu na may kasamang pagngisi. “Ji Yinfeng, dapat ay sinabi mo sakin ng mas maaga kung inisip mo na hindi ako nababagay sayo, edi dapat iniwan na lang sana kita. Pero, pinahiya mo ako sa ganitong pamamaraan, kaya sino satin ang mas walang pakundangan?” ... “Hmph, wala nang silbi ang mga pinapalabas mo ngayon. Ruochu, pagsisisihan mo ito!” ang sabi ni Ji Yinfeng bago niya pinutol ang linya. ... Kumulot ang mga labi ni Tang Ruochu sa isang mapanghamak na ngiti habang tinitignan niya ang telepono niya. Sila ay magkasintahan mula noong bata pa sila, pero ngayon, ang relasyon nila ay naging isang katatawanan at napagtanto niya na siya ay naging isang tanga. “Ruochu, hindi mo dapat inamin ang mga paratang niya dahil ‘di naman ikaw ang naglabas ng balita sa press…” ang sabi ni Song Anyi. Narinig niya ang buong pag uusap nila at napigilan niya ang sarili niya na magbitaw ng mga masasamang salita kay Ji Yinfeng nang marinig ni Song Anyi na gumagawa siya ng mga paratang na walang basehan. ... Sinusumpa niya na babalatan niya ng buhay si Ji Yinfeng kapag lumitaw siya ngayon sa harap niya. Subalit, ang mas inaalala niya ay baka hindi kayanin nang kaibigan niya itong matinding dagok na ito at magkaroon siya ng mental breakdown. “Ayos lang ako. Napadali lang lalo nitong nangyari ang maka-move on na ako sa kanya,” ang sabi ni Tang Ruochu sabay huminga ng malalim pagkatapos ay nagpinta ng ngiti sa kanyang mukha. ... Hindi niya hinayaan ang sarili niyang maapektuhan sa kanilang mga kagagawan, kahit na gaano pa kasama ang nararamdaman niya. Sina Ji Yinfeng at Guo Ruoruo ay dapat maparusahan. “Sumosobra na talaga sila. May kahina-hinala talaga sa tiyempo ng balitang ito dahil wala pang balita tungkol sa relasyon nila. Para bang ang taong may pakana nito ay gustong paghinalain si Ji Yinfeng na ikaw ang naglabas nito sa press,” ang sabi ni Song Anyi habang nag ngingitngit ang ngipin niya, dahil sa galit para sa kanyang kaibigan. ... Napahinto saglit si Tang Ruochu at napagtanto niya na ang lahat matapos niya ito pagisipan ng mabuti. “Mukhang may punto ka nga dyan,” ang sabi niya. “Huh?” ang tanong ni Song Anyi sa pagkalito niya dahil nasabi niya lamang ang mga salitang iyon dahil sa galit at hindi niya ito pinagisipan ng mabuti. “Walang kamalay malay si Ji Yinfeng na alam ko ang tungkol sa relasyon nila ni Gu Ruoruo, pero ngayon, tinalikuran niya ako at pinagbintangan na pumunta sa press. Si Gu Ruoruo siguro ang may pakana nito! Gusto niyang kamuhian ako ni Ji Yinfeng at burahin lahat ng natitira niyang kabutihang na nararamdaman sakin. Nagtagumpay siya!” mapait na sinabi ni Tang Ruochu. ... Galit na galit si Song Anyi at sinabing, “Kasuklam suklam talaga si Gu Ruoruo, walang hiya, at mala demonyo! Hindi ako makapaniwala na pinilit niyang gumamit ng ganitong paraan para makuha niya ang gusto niya. Nilagay niya pa ngayon ang reputasyon niya sa alanganin! Napaka walang hiya niya talaga! Ah, galit na galit na ako. Sinusumpa ko babalatan ko ng buhay ang mga walang hiyang magkalaguyo na yan…” ... Samantala, habang ang mundo ni Tang Ruochu ay bumaliktad, si Mu Ling ay pumasok sa opisina ng Chief Executive Officer ng Thunderbolt Entertainment Group at nilagay ang magkakapatong na dokumento sa mesa ni Lu Shijin. “Sir, ang mga dokumentong pong ito ay naglalaman ng lahat ng gusto ninyong malaman tungkol kay Mrs. Lu,” ang sabi niya. ... “Oh?” biglang lingon ni Lu Shinjin mula sa computer at binasa ang mga dokumento sa kanyang mesa. ... Ang mga dokumento ay naglalaman ng mga detalyadong impormasyon tungkol sa background ni Tang Ruochu at sakop nito ang kanyang pagkabata, background ng pamilya, mga naka relasyon at naging trabaho, pati na rin ang detalye ng mga kaibigan niya. Walang detalye na hindi naisama, at lahat ng tungkol sa kanya ay nakaklaro sa mga dokumentong ito. Nilapag ni Lu Shijin ang mga dokumento sa kanyang mesa. Ang mga kilay niya ay kumunot at mayroong malamig na kinang sa kanyang mga mata matapos niyang basahin ang mga dokumento. Nagalala bigla si Mu Ling nang naramdaman niya na hindi natuwa si Lu Shijin sa mga nabasa niya. Ang boss niyang madalas na walang pakialam ay klarong nadismaya sa kung ano mang nabasa niya kanina. Ito ang unang beses na na makita ni Mu Ling si Lu Shijin na nagbibigay interes sa isang babae. Madali niyang pinagpatuloy ang pagbigay ng kanyang report at sinabing, “Sir, gusto kong rin pong pagbigyan pansin ang insidente na nangyari ngayong hapon. Nagbagsak ang Times Entertainment News ng balita tungkol sa relasyon ni Ji Yinfeng ngayong hapon, at matapos ang ilang pagsisiyasat, natuklasan ko na si Gu Ruoruo ang naglabas ng impormasyon sa press. Pangamba ko na sinusubukan niyang ibigay kay Mrs. Lu ang bintang. Gumagawa na kaagad ang Ji Group ng press conference para pag usapan ang isyu, kaya nangangamba ako kung maapektuhan ng masama si Mrs. Lu?” Nagdilim ang mukha ni Lu Shijin at ang kanyang mga mata ay nanlisik sabay tanong niya kay Mu Ling, “Nasaan siya ngayon?” “Sa ngayon po ay nasa loob siya ng opisina niya,” matapat na sinabi ni Mu Ling. Nagisip ng saglit si Lu Shijin bago siya biglaang tumayo at kinuha ang jacket mula sa coat hanger. “Kunin mo ang kotse at tawagan ang Managing Director ng Times Entertainment News. Sabihin mo sakanya na gusto ko siyang kausapin tungkol sa mga detalye ng isang pelikulang nabanggit niya noong nakaraan,” sabi niya at nagbigay ng serye nang mga utos. “Masusunod po, Sir!” Tumango si Mu Ling at madaling lumabas sa opisina. ...

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.

Terms of UsePrivacy Policy