Kabanata 300 Gusto Ko Yata Siya
Hindi nanangahas na magsalita si Lucy at agad na bumalik para bantayan ang crystal, subalit halos mapatay siya sa daan. Hindi niya na matiis pa kaya sinabihan niya si Joel, “Bakit ka ba ganyan? Tank ka ‘di ba, depensahan mo ako, pakiusap?”
Sumagot naman si Joel kahit hindi maganda ang kanyang laro ngayong araw, “Nauunawaan ko.”
Ganoon pa man, napalibutan siya at namatay.
Nang mamatay siya, ganoon rin ang nangyari kay Lucy.
Nang makitang nabihag na ang kanilang crystal, napatayo si Lucy at saka bumulalas. “Pwede ko bang patayin ang kakampi ko? Dahil gusto ko nang pumatay ng kakampi.”
Napatawa si Nell. “Hindi pwede sa laro pero ayos lang sa tunay na buhay.”
Mapakla ang pakiramdam ni Joel. Tinapon niya ang kanyang cellphone at tumayo. “Ayoko nang maglaro.”
Pagkatapos, tumalikod siya at nagpunta sa labas.
Napatitig naman silang lahat sa isa’t isa habang pinoproseso ang mga nangyayari.
Tinitigan ni Nell si Gideon, napaubo siya at sinabihan niya silang, “Eh, laro lang naman ito. Huw

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link