Kabanata 317 Sino Ka Para Saktan Siya
“Tom Graham! Anong sinusubukan mong gawin? Alam mo bang date rape ang tawag sa ganito?!”
“Hah! Ano naman? Sampahan mo na lang ako ng kaso pagkagising mo bukas. Iyon nga lang, magagawa mo ba? Sino naman ang lalaking papatol sa iyo pagkatapos nito?”
“Ikaw— Walang hiya ka!”
Itinaas ni Tara ang kanyang kamay para sampalin si Tom.
Subalit, nahuli ng lalaki ang kanyang braso sa ere at saka dinaganan siya.
Diniin ni Tom si Tara sa pinto ng kotse at saka hinalikan siya.
Sindak na sindak si Tara sa ginawa ng lalaki. Nanlaban siya gamit ang natitira niyang lakas hanggang masampal niya ang pisngi ni Tom.
Naramdaman ni Tom ang sakit at nagwala siya sa galit at pagkapahiya. Binalikan niya ng dalawang sampal si Tara na siyang dahilan para mamaga ang pisngi ng babae.
Nahihilo na si Tara at para bang may mga bituin sa harap niya. Hindi na malinaw ang kanyang paningin pero rinig niya ang singhal ng lalaki.
“Kung gusto mo pang manlaban, naniniwala akong kailangan ko ng gumamit ng puwersa para m

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link