Kabanata 377 Masamang Kutob
Habang iniisip ito, magalang na sumagot si Lucy, “Hello, naririto ako para sa audition. Lucy Katz ang pangalan ko.”
Hindi naman bibigatin si Lucy sa industriya, pero hindi rin siya pipitsugin. Masasabing isa siyang aktres na nasa pagitan ng B at C list.
Ganoon pa man, madalas na mga palabas lamang sa loob ng Anning International ang tinatanggap niya. Kaya hindi siya kilala ng ibang mga nasa labas ng industriya.
Habang nakaupo, itinaas ng matabang lalaki ang kanyang ulo at sinulyapan lamang siya nang saglit saka tumango.
“Sige, umupo ka na! Susunod ka rin.”
“Sige po.”
Pagka-upo ni Lucy, napansin niyang sinundan ng dalawang babae ang direktor sa loob ng isa pang kwarto at iniwan nito ang cameraman.
Halatang may kakaibang nangyayari.
Para sa hindi masabing dahilan, hindi mapalagay si Lucy simula nang makapasok siya.
May masama siyang kutob.
Sumulyap siya sa cameraman na naninigarilyo. Ngumiti ito sa kanya.
“Natatakot ka ba?”
Nagitla si Lucy. “Huh?”
Ngumisi ang cameraman. “Kil

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link