Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 480 Makipagkita Sa Isang Kaibigan

Nagtanong si Gideon sa isang mababang boses, rinig ni Nell ang antok sa kanyang tono. Tumango si Nell bilang kumpirmasyon. Ngayong gising na ang lalaki, hindi niya na kailangang mag-alala pa. “Gusto ko lang ng maiinom.” “Huwag ka nang gumalaw. Kukuha ako ng tubig para sa iyo.” Tumalikod ang lalaki at saka tumayo para magbuhos ng maligamgam na tubig sa isang baso. Tinanggap ni Nell ang basong inabot ng lalaki at saka sumipsip ng tubig. Mamaya-maya, rinig sa buong kwarto ang ungol ng tiyan ni Nell. Namula si Nell. Napatigil si Gideon sa loob ng isang segundo saka siya ngumisi at napataas ang kilay. “Gutom ka ba?” Lalo pang namula ang mga pisngi ni Nell. Sinubukan niyang magpalusot, pero hindi rin siya sigurado kung dapat pa ba siyang magsalita. Sa huli, wala siyang magawa kundi napatango na lamang. Hinaplos ni Gideon ang kanyang ulo at saka sinabing, “Magpakabait ka lang diyan. Magluluto ako ng makakain mo.” Nagitla si Nell. “Magluluto ka?” “May nakikita ka bang iba?” Saka

Locked chapters

Download the Webfic App to unlock even more exciting content

Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.