Kabanata 698 Maniwala Ka Sa Sarili Mo
Noong umalis si Gideon kaninang umaga, sinabi na ni Nell sa kanya na ngayon ang kanyang flight.
Dahil naririyan naman si Nancy, hindi kailangang mag-alala ni Gideon.
Dagdag pa roon, ayon sa babae, para lang naman sa trabaho ang gagawin niya. Babalik siya agad pagkatapos ng tatlo o apat na araw.
Sa halip na ihatid si Nell, inutusan na lamang ni Gideon ang family driver na dalhin ang kanyang asawa sa airport, at susunduin niya na lamang ito kapag uuwi na ito.
Nakonsensya nang kaunti si Nell dahil pakiramdam niya pinagtataksilan niya si Gideon. Subalit, kapag sinabi niya ang totoo, mahihirapan lamang si Gideon.
Habang iniisip ito, huminga siya nang malalim saka isinantabi ang lungkot sa kanyang puso.
Pagkarating sa airport, dinala ni Nell si Nancy sa boarding gate.
Pitong oras ang biyahe papuntang Country F. Pareho silang nakatulog habang nasa daan at gabi na nang dumating sila sa Lin City.
Para mapadali ang lahat, nagpaasikaso na si Nell nang magsusundo sa kanila. Isang binata at

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link