Kabanata 734 Siya Pala Talaga Ito
Hindi mabilang ang suntok na ibinigay ni Nell sa lalaki.
Sa huli, nahuli rin nito ang mga kamao ni Nell saka niya binaliktad ang posisyon at si Nell naman ang nasa ilalim.
Natakot nang matindi si Nell.
Gusto niya sanang manlaban nang biglaan niyang marinig ang isang pamilyar na boses.
“Iyan lang ba ang natutunan mo? Marami akong tinuro sa iyo dati pero iyan lang ang ibabalik mo sa master mo?”
Natigilan si Nell.
Inangat niya ang kanyang titig at tila ba hindi siya makapaniwala.
Hawak ng lalaki ang kanyang kamay at gulo-gulo na ang kanyang damit dahil sa nangyaring labanan kanina.
Ganoon pa man, hindi niya inasahang sasalubungin siya ng matalas na titig ng lalaki. Masyado itong matals na para bang kaya nitong hiwain ang puso ni Nell.
Hindi niya mapigilang manginig nang kaunti saka nagtanong. “Sino ka?”
Kakaunti lamang ang mga taong nakakaalam na marunong siya ng martial arts, kaya hindi siya makapaniwalang naririto ang isa sa mga iyon.
Ngumiti ang lalaki nang marinig ito.
Mat

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link