Kabanata 888 Hindi Mapapatawad
Nagbago nang kaunti ang ekspresyon ni Vickie pero nanatili pa rin siyang matatag. Malamig siyang sumagot. “Hindi ko alam ang sinasabi mo!”
Hindi nag-aalala si Lucius, umiling na lamang siya sa dismaya, “Hindi mo ba talaga matandaan? O baka natandaan mo talaga pero ayaw mo lang harapin?”
Maliwanag ang mga mata ni Lucius habang nakatitig sa babae.
Nairita nang kaunti si Vickie dahil komplikado ang memoryang nasa isip niya ngayon. Sa loob ng isang sandali, hindi siya sigurado kung totoo ba o hindi ang nakikita niya.
Nagmumula ang kanyang pagdududa sa punto ng kanyang buhay kung saan wala siyang matandaan bago siya pumunta sa pamilya Taylor. Hindi niya alam kung dahil ba masyado siyang bata o dahil may ibang rason, pero lahat ng kanyang alaala bago siya mag anim na taong gulang ay blangko.
Alam niyang nakakalimot ang mga tao habang lumalaki sila kaya hindi niya ito pinansin.
Ganoon pa man, nang magpakita ang ilang mga eksena sa kanyang isip, tila ba hinahatak siya ng panahon pabalik

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link