Kabanata 961 Tagapagligtas
Aroganteng suminghal si Jean Leith saka siya nagsalita, “Ganyan dapat.”
Ganoon din, hinahanap ni Ben Hellen si Jean. Nang makita niya ang babae, agad niya itong hinatak palayo.
Hawak pa rin ni Sean Miller si Cathy Morrison saka sila bumalik sa lounge sa likod.
Pagkaupo nila, nagtanong agad si Sean, “Kumusta ka na? May masakit ba sa iyo? Hindi ka ba komportable?”
Umiling si Cathy at nginitian niya ang lalaki.
“Sean, pasensya na talaga dahil nalagay na naman kita sa alanganin ngayong araw.’
Sumimangot si Sean at tila ba nadismaya siya.
“Ilang beses na ba kitang sinabihan? Mag-asawa tayo. Tama lang na tulungan natin ang isa’t isa. Anong sinasabi mo na alanganin?”
Huminto siya saka bumuntong hininga, “Dagdag pa roon, masyadong mayabang ang babaeng iyon, pero hinayaan mo pa siyang gawin iyon sa iyo.”
Ngumiti nang bahagya si Cathy, “Mula sa kanyang damit at pakikitungo, sigurado akong hindi siya isang ordinaryong tao. Kababalik lang natin sa bansa, hindi dapat tayo madamay sa isang

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link