Kabanata 2261
Seryoso ang titig ni Harvey.
Nakasalubong niya si Teresa Thompson sa lugar kung saan niya mismo pinaghihinaalaang dinala si Lilian.
Pagkakataon nga lang ba ito? O hindi kaya matagal na itong planado?
Maraming pumasok sa isipan ni Harvey, ngunit nagpanggap pa rin siyang nagulat.
"Oh! Ikaw pala 'yan!"
"Pagkakataon nga naman. Sa kasamaang-palad, may kailangan akong gawin. Sa susunod na lang tayo mag-usap."
Nang makita ni Teresa na lalayo na si Harvey, kaagad nitong hinawakan ang kamay nito.
"Sandali! Hindi ko pa alam ant pangalan mo, aking tagapagligtas," mahinang sinabi ni Teresa.
"Ako si Teresa."
Napakalapit ng mukha ni Teresa, halos nakadikit na ito sa mukha ni Harvey. Sa kanyang labi ay mayroong malaking ngiti, at kumikislap ang kanyang mga mata.
Ang halimuyak ng isang dalaga ay dumaan sa ilong ni Harvey, kaya medyo nailang siya.
Kusang bumitaw si Harvey, at kaagad na umatras.
"Hindi maganda para sa ating magdikit nang ganito, Ms. Thimpson. Atsaka, pakiusap tawag

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link