Kabanata 3792
"A…"
"...Ayaw ko," sagot ni Harvey pagkatalos ng sandaling katahimikan.
"Nasa ganyang posisyon naman na sana ako kung gugustuhin ko. Bakit ako maghihintay hanggang ngayon?"
"Atsaka, alam mo naman kung paano ako mamalakad. Hindi ako interesado sa kasikatan at pera."
Hindi nagulat si Samuel nang marinig ang pagtanggi ni Harvey.
"Kung ganoon, ang magagawa ko lang ay magpadala ng mensahe pabalik sa kanila Big Boss at Gavin," sagot niya.
"Sigurado akong madidismaya sila."
Ngumiti si Harvey, ngunit hindi na siya nagsalita pa.
Suminghal si Samuel at iniba ang usapan.
"Paano mo pala balak ayusin ang sitwasyong ito?"
"Higit sa lahat, hindi natin ugali ang magpaapi sa mga tao ng India at Island Nations."
"Aayusin natin ito sa paraan kung paano nila ako balak itumba," kalmadong sagot ni Harvey.
"Masyado silang nagsikap na pagsamahin ang mga Martial Arts Alliance."
"Dahil kampante silang maitutumba nila ako sa ganitong paraan…"
"Ayos lang sa aking paglaruan muna sila."

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link