Kabanata 298
Isang beses pa lamang may nangyari sa kanila ni Zoe ngunit nabuntis niya
ito agad?
Binitawan niya ang seradura ng pinto ng operation theater.
Napansin ni Chad ang pagbabago ng itsura ni Elliot. Mabilis ang tibok ng
kaniyang puso. Ano ang nangyari? Bakit hindi siya pumasok para makita si
Avery?
“Chad, maghintay ka muna rito,” mapait na sinabi ni Elliot, “Kailangan kong
bumalik.”
Tumango si Chad. Hindi na siya muli pang nagtanong. Pagkaalis ni Elliot,
tinulak ni Chad pabukas ang pinto sa operation theater at tumingin sa loob.
Hinubad ni Avery ang kanyang jacket at inilapag sa katawan ni Laura.
Napaupo at nawalan na lamang ng sigla si Avery sa tabi ng kaniyang ina.
Kinuha niya ang kamay ng kaniyang ina, umiyak, at may ibinulong.
Namula ang mga mata ni Chad sa nasaksihan. Sinarado niya ang pinto. Nilabas
niya ang kanyang telepono, hinanap si Wesley sa kanyang contacts, at
tinawagan.
Pagtapos niyang balitaan si Wesley ay umalis na siya sa ospital at bumalik
na sa Starry River Villa.

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link