Kabanata 727
Nanginginig ang mga tuhod ni Avery habang naglalakad para tignan ang itim na lapida.
“Avery! Wag mo ng tignan!” Sigaw ni Mrs. Cooper at dali-dali niyang hinarangan ang lapida para hindi makita ni Avery.
Pero hinawi ni Avery si Mrs. Cooper.
“Gusto kong makita kung ano ang nakasulat… Ipakita mo sa akin!”
Bago pa humarang si Mrs. Cooper, nasilip na ni Avery ang puting ink na nakaukit.
“Dito naka himlay si Robert Foster”
Buhay pa ang anak niya… lumalaban… sino nanamang kampon ni Satanas ang gumawa nito?!
“Avery, kung sino man ang nagpadala nito, sigurado ako na may masama siyang balak! Kailangan nating tumawag ng pulis!” Nangingig ang mga kamay ni Mrs. Cooper sa kaba nang hawakan niya ang kamay ni Avery. “Wag kang magpapatinag sakanila! Kailangan mong tatagan ang loob mo, Avery. Buhay pa si Robert! At kahit ano pang sabihin nila, lumalaban ang bata.”
Dahil sa mga sinabi ni Mrs. Cooper, hindi na napigilan ni Avery na maging emosyunal.
Niyakap niya si Mrs. Cooper at umiiyak na

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link