Kabanata 1128
"Maswerte?" Ngumisi si Fane nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. "Kailangan ko tong sabihin sa inyo: maging matalino kayo at umalis na kayo. Lahat kaming tatlo ay mga taong hindi mo kakayaning banggain."
"Pfft!" Nagsitawanan ang mga taong nakatayo sa harapan nila nang marinig nila ito.
"Hahaha! Binata, nagtanong ka na ba sa paligid kung sino si Brother Tiger? Miyembro siya ng Green Dragon Clan at isa sa mga importanteng kasamahan ng aming clan master. Sino sa lungsod na ito ang hindi nakakaalam sa mangyayari kapag ginalit mo ang Green Dragon Clan? Nakakatawa ka nang sinubukan mong pagbantaan si Brother Tiger. Sa tingin mo kikibo si Brother Tiger sa mga banta mo?" Malakas na tumawa ang maskuladong lalaki na para bang narinig niya ang pinakanakakatawang biro sa buong mundo.
"Binata, naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon. Alam mong katapusan mo na kaya nagpapanggap kang hindi kagaya ang inaasahan namin para umatras kami at umalis, tama ba ako?" Ngumisi si Brother Mountain.

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link