Kabanata 336
Parehong nakahinga ng maluwag sila Fiona at Andrew noong marinig nila na hindi nakidnap ang anak nila.
Pero, masama pa rin ang loob nila, dahil alam nila na hindi nila matatakasan ang mga mangyayari.
Kasalanan 'tong lahat ni Fane. Hindi na bale kung hindi niya gusto si Sharon; kaso binigyan niya pa ng pampurga si Sharon at sinabi niya na pampapayat yun. Hanggang ngayon nagtatae pa rin yung kawawang babae na yun.
"Aalis na ako, Sir."
Nagbigay galang muna si Luca bago siya nagmadaling umalis. Alam niya na isang bodyguard si Fane at alam niya na mahusay si Fane sa pakikipaglaban, kaya humanap siya ng ilang tauhan na mahusay din sa pakikipaglaban at isinama ang mga ito. Doon lamang siya umalis at nagtungo sa tahanan ng Drake family.
Napabuntong-hininga si Joan.
Inasahan na niya ang lahat ng ginawa nila Fiona at ng iba pa.
Subalit, hindi na siya nagsalita pa alang-alang sa kanyang anak. Alam niyang wala rin siyang magagawa, kahit na ipaliwanag pa niya ang lahat para sa anak ni

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link