Kabanata 348
"Hehe. 19 kilograms 'to pero sisingilin niyo lang sakin yung halaga ng 15 kilograms. Talagang napakabait mo!"
Nang marinig niya ang pag-uusap nila, umirap si Tanya at ngumiti ng malamig. "Isa lang 'tong ordinaryong bato, kaya syempre ayos lang sayo na bigyan siya ng discount! Kung talagang iniisip mo na mataas ang kalidad ng batong 'to, magiging ganito ka pa rin ba kabait?"
"Tama yun! Niloloko mo ang isang baguhan! Ang sama mo!" Ang sabi ni Yvonne bago siya tumingin kay Fane.
"Hayaan mong tulungan kita, Fane. Isang ordinaryong bato lang ang napili mo! Galing lang sa gilid ng kalsada yung batong yan."
"Huwag ka nang mangialam!" Mabilis na sumabat si Young Master Wilson. "Yvonne, huwag kang sumuway sa usapan. Sa pagkakataong ito, ako at si Fane ang naglalaro, hindi tayong dalawa! Dahil wala ka namang kinalaman dito, hindi ka na dapat mangialam! Kapag nangialam ka pa, huwag na lang nating ituloy ang pustahan na 'to!"
"Tama siya. Walang dapat na mangialam!"
"Sang-ayon ako dun!

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link