Kabanata 416
"Kaya… Kaya ko pang uminom!"
Dumighay si Yvonne. Namumula ang kanyang pisngi at malabo ang kanyang pananalita.
Ang bawat isa sa kanila ay nakainom na ng labingdalawang baso sa puntong ito, at katumbas ito ng tatlompung bote ng beer kada tao! Nanahimik ang mga tao sa takot at kaba. Wala silang masabi sa sitwasyong ito.
"Y––Yvonne, ikaw… lasing ka! Wag ka nang uminom. Tignan mo si Fane; hindi pa rin siya lasing. Sumuka ka na, wala lang laban sa kanya!"
Malinaw para kay Tanya na hindi na tatagal si Yvonne, pero tinutulak pa rin siya ng kanyang dignidad at katigasan ng ulo. Wala siyang ibang gusto kundi makita si Fane na bumagsak sa lapag sa kanyang harapan.
"Hindi ako lasing. Kaya ko pang uminom! Sa tingin ko si Fane ang susuko na, tama ba?" Lasing na tumawa si Yvonne. "Pinepeke niya lang ang kondisyon niya ngayon!"
Dumaldal si Yvonne habang nangalumbaba siya. Mukhang babagsak na siya sa kahit na anong oras.
"Pasensya na po. Pasensya na talaga, hindi ko sinasadya na mahawakan

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link