Kabanata 430
Napansin ng babaeng Head Commander si Fane. Nginitian siya nito at pumasok na sa loob.
Tumayo lang sa tabi si Fane, nagpapanggap na tinitignan ang mga halamang bonsai.
Padami ng padami ang mga taong dumating sa villa. Tulad ng inaasahan, tansong badge lang ang natatanggap ng mga pangkaraniwang sundalo habang pilak na badge naman ang nakukuha ng mga Head Commander at ng mga assistant nito.
Ilang minuto lang ang lumipas, isang lalake ang dumating. Ang lalake ay isang Major, ang ang ugali ng hostess ay naging mas malambing. Tinignan ni Fane ang commemorative badge ng lalake na dumaan; gawa ito sa ginto.
Pareparehas lang ang disenyo ng mga badge, ang materyales lang na ginamit ang pinagkaiba ng mga ito.
Ilang sandali pa ang lumipas, isang one-star King of War ang dumating. Bata pa itong tignan at masigla.
Ang badge nito ay gawa sa platinum.
Napailing na lang si Fane sa sama ng loob. Napagtanto niya na ang mga badge na binibigay sa kanila ay nakabase sa kanilang rango.

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link