Kabanata 743
Napabuntong hininga na lamang si Tanya, na kasalukuyang nakatayo sa isang tabi. Siya, ang kanyang tatay, at si Spectre Face ay nasaksihan kung gaano kalakas si Fane. Kung sabagay, pinatay ni Fane ang 300 na tao mula sa Eagle Clan ng mag-isa.
Kinikilabutan pa rin siya sa tuwing maaalala niya ang nangyari noong gabing yun. Nakita niya ang isang master na sa mga nobela lang nakikita. Iyon din ang araw na nakita niya ang isang tao na pinapatay ang mga kalaban niya ng walang pag-aalinlangan.
Alam niya kung gaano kalakas si Spectre Face, at malaki ang pinagkaiba ng lakas nila ni Fane.
Pinaalalahanan na ng tatay niya ang kapatid niya na huwag kakalabanin si Fane, na hindi dapat magalit si Fane sa kanila, ngunit tinanggal pa rin ng kapatid niya si Fane sa trabaho kanina lang.
Isa itong malaking kawalan para sa Drake family. Hiling niya na hindi magtanim ng galit sa kanila si Fane dahil dito.
"Ikaw… Hindi ka isang head commander, hindi sa lakas mong yan! Sino ka ba? Anong ranggo mo?"

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link