Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 763

Takot na takot si Timothy. Tinatagan na lamang niya ang kanyang loob at tumanggi siyang aminin ang ginawa niya noong makita niya kung gaano karaming tao ang nakatingin sa kanya. "Kalokohan?" Sa pagkakataong ito, maging si Selena ay hindi na nakatiis at tumingin siya ng masama kay Timothy. "Haha. Young Master Timothy, hindi ko inakala na isa ka palang duwag na hindi kayang aminin ang mga ginawa niya. Kung kalokohan ang sinasabi namin, bakit hindi na lang tayo pumunta sa kumpanya ngayon at tanungin natin yung mga tao doon? Marami tayong empleyado, sa tingin mo ba wala silang narinig?" Agad na namutla ang mukha ni Timothy noong marinig niya ang mga sinabi ni Selena. Oo nga naman, siguradong mahirap ipaliwanag ang nangyari kanina. Noong una, balak niyang sabihin sa mga tao sa kumpanya na gusto siyang akitin ni Selena. Malamang maraming tao ang maniniwala sa kanya. Pero ngayong dinala ni Fane ang asawa niya sa bahay nila, wala nang maniniwala sa kanya kung sasabihin niya yung dahilan

Locked chapters

Download the Webfic App to unlock even more exciting content

Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.