Kabanata 803
Kumunot ang noo ni Fane nang makita niya ang ngiti sa mukha ni Jayden. Pakiramdam niya na parang wala namang pakialam ang mag-ama sa karamdaman ng old master.
Bukod pa rito, mukha silang naghahanap ng doktor para sa old master, pero walang bakas ng kalungkutan sa kanila—mahirap matukoy kung ang old master ay nasa bingit ng kamatayan.
“Sige ba. Susubukan ko ito dahil binabalewala niyo nang sobra ang Chinese medicine. Wala rin naman akong masyadong gagawin. Tutulong na lang pala akong gamutin ang old master!”
Iniunat ni Fane ang kanyang braso at nagsalita nang tinatamad.
Naktututok ang tingin niya kay Lawrence na nakaupo sa tapat niya.
Kaagad niyang napansin na kumirot ang sulok ng labi ng lalaki nang mabanggit niyang gagamutin niya ang old master. Naiinis siya.
Ngunit kaagad na naglaho ang inis na ito, para bang di talaga ito nangyari.
“Sige pala. Pero magkano ang singil mo sa amin ngayon Fane? Di mo ito gagawin nang libre diba? Malamang mayroong consultation fee ka

Locked chapters
Download the Webfic App to unlock even more exciting content
Turn on the phone camera to scan directly, or copy the link and open it in your mobile browser
Click to copy link