Kabanata 747
Imposibleng hindi naintindihan ni Madeline ang ipinapahiwatig ni Felipe, pero tumitig lang siyang maigi sa matatalim ng tingin ng lalaki.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Felipe? Kasi kung oo, ibig sabihin noon ay hindi kita sinisisi sa isang bagay na hindi mo ginawa. Hindi talaga ikaw ang maginoong lalaki na inakala ko noon."
Nagdilim ang tingin ni Felipe habang lumuwag ang kanyang pagkakahawak kay Madeline.
Determinado ang tingin ni Madeline nang hinila niya ang kanyang kamay nang walang pag-aalinlangan. "Iimbestigahan ko ang nangyari kay Lilian at maghahanap ako ng pruweba na ikaw ang gumawa nito. Hindi ko hahayaang mamatay ang anak ko sa ganito kalabong kamatayan."
"Sinabi ko sa'yo na wala akong ginawa para saktan si Lilian." Mapilit ang tono ni Felipe. "Mas pinapaniwalaan mo ang lalaking naglagay sa'yo sa mala-impiyernong buhay kaysa sa taong nagligtas sa'yo mula sa bingit ng kamatayan, Eveline?"
Hindi natinag si Madeline nang sumagot siya, "Alam mo ba kung ano ang pinaka

คลิกเพื่อคัดลอกลิงก์
ดาวน์โหลดแอป Webfic เพื่อปลดล็อกเนื้อหาที่น่าสนใจเพิ่มเติม
เปิดกล้องโทรศัพท์เพื่อสแกน หรือคัดลอกลิงก์แล้วเปิดในเบราว์เซอร์ของคุณ
เปิดกล้องโทรศัพท์เพื่อสแกน หรือคัดลอกลิงก์แล้วเปิดในเบราว์เซอร์ของคุณ