Webfic
เปิดแอป Webfic เพื่ออ่านเนื้อหาอันแสนวิเศษเพิ่มเติม

Kabanata 132

Pagkatapos ibaba ang tawag, lumapit sa'kin si Zane. “Pwede mo ba akong samahan roon mamayang gabi?” Bahagya kong tinabingi ang ulo ko. “Syempre.” Umupo si Zane sa tabi ko at nagkusang nagkwento tungkol sa lolo't lola ni Willow. Kwinento niya ang nakaraan nang may nagninilay-nilay na tono. “Simula nang namatay ang nanay ni Willow, lubhang naapektuhan ang lolo't lola niya. Dahil dito, sumama ang kalusugan nila.” Hindi ako sigurado kung paano siya dadamayan nang sinabi kong, “Baka kapag mas nakasama nila si Willow, gaganda ang pakiramdam nila.” Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Zane. “Sana nga.” Tumayo siya at nagsuhestiyon. “Magtanghalian tayo.” Hindi rin kami nagpunta sa cafeteria ng kumpanya ngayon. Dinala ako ni Zane sa isang malapit na restaurant at umorder ng ilang putahe. Pagkatapos, nagkomento siya, “Heto ang signature dishes ng restaurant na'to.” Dahil maraming taon na siyang nagtatrabaho sa lugar na'to, pamilyar siya sa malalapit na restaurant. Magaan ang

คลิกเพื่อคัดลอกลิงก์

ดาวน์โหลดแอป Webfic เพื่อปลดล็อกเนื้อหาที่น่าสนใจเพิ่มเติม

เปิดกล้องโทรศัพท์เพื่อสแกน หรือคัดลอกลิงก์แล้วเปิดในเบราว์เซอร์ของคุณ

© Webfic, สงวนลิขสิทธิ์

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.