Webfic
เปิดแอป Webfic เพื่ออ่านเนื้อหาอันแสนวิเศษเพิ่มเติม

Kabanata 251

Habang nakahiga si Willow sa kama, umupo si Dorothy sa tabi niya. Kumikislap ang mga mata ni Willow habang nagtatanong siya, “Lolo, Lola, malungkot pa rin ba kayo?" Sa takot na baka hindi gaanong malinaw ang tanong niya, agad niyang idinagdag na, "Napakaraming taon na ang lumipas mula nang mamatay si Mommy…” "Oo, syempre, malungkot pa rin kami.” Nagpatuloy si Dorothy at bumuntong-hininga, "Pero dahil matagal na panahon na ang lumipas, hindi na kami kasing lungkot ng dati.” Medyo nalungkot si Willow. "Ako din. Napakabait at maalaga si Mommy sa’kin. Gustong-gusto ko siya, kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ako iniwan.” Ganun din ang tatay niya. Ang maisip na nawala sa kanya ng biglaan ang mahal niyang pamilya ay pinuno siya ng matinding sakit at kalungkutan. Ayaw ni Milton na umiyak si Willow, kaya sinabi niya na, "Ayos lang ‘yun, Willow. May bago ka nang mommy ngayon.” Medyo gumaan ang pakiramdam ng malungkot na Willow noong narinig niya ang sinabi ni Milton. "Totoo ‘yun

คลิกเพื่อคัดลอกลิงก์

ดาวน์โหลดแอป Webfic เพื่อปลดล็อกเนื้อหาที่น่าสนใจเพิ่มเติม

เปิดกล้องโทรศัพท์เพื่อสแกน หรือคัดลอกลิงก์แล้วเปิดในเบราว์เซอร์ของคุณ

© Webfic, สงวนลิขสิทธิ์

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.