Webfic
เปิดแอป Webfic เพื่ออ่านเนื้อหาอันแสนวิเศษเพิ่มเติม

Kabanata 702 Namimiss Niya Ang Kaniyang Asawa

Nagulantang si Nancy Murray. Sa loob ng isang sandali, hindi niya napagtanto ang ibig sabihin ng lalaki. Inisip naman ng empleyado na ayaw aminin ni Nancy ang katotohanan kaya ngumiti siya para mapanatag ito. “Huwag kang mabahala. Wala naman akong masamang intensyon, at hindi rin ako pupunta sa mga paparazzi.” Habang nagsasalita, nilabas niya ang kanyang cellphone saka tinype ang pangalan ni Nell sa seach box. Hindi nagtagal, ilang artikulo ang lumabas tungkol sa kanya. Lahat ito ay may kinalaman kay Nell Jennings. Tungkol ito sa kanyang career at pagiging movie star. Matagal nang umalis si Nell sa industriya, kaya ilang taon na rin ang tanda ng mga artikulo. Ganoon pa man, sapat na ang kaunting search para makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya. Naramdaman ni Nancy Murray na para bang napahiya siya. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Matagal na niyang kasama si Nell, at alam niyang komplikado ang pagkatao nito, pero nakalimutan niyang isa rin itong aktres. Napakibot ang bibig

คลิกเพื่อคัดลอกลิงก์

ดาวน์โหลดแอป Webfic เพื่อปลดล็อกเนื้อหาที่น่าสนใจเพิ่มเติม

เปิดกล้องโทรศัพท์เพื่อสแกน หรือคัดลอกลิงก์แล้วเปิดในเบราว์เซอร์ของคุณ

© Webfic, สงวนลิขสิทธิ์

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.