Kabanata 1243
Sa pamamagitan ng mga salitang iyon, hindi siya makikitaan ng masamang motibo ng kahit na sino kahit na gustuhin pang tumanggi rito ni Andrius.
“Ano sa tingin mo?” Tumagos ang tingin ni Alexander kay Andrius.
Nang makita niya na umabot na ang mga bagay bagay sa puntong ito, sumangayon na rin si Andrius. “Sasali ako sa kompetisyon sa Praxis sa oras na ganapin ito. Umaasa ako na hindi ito seseryosohin ng mga eksperto sa Flandom na siyang magpapasama sa akin.”
Alam din ni Andrius kung paano magpakumbaba kung kinakailangan.
“Nakakatawa ang mga sinabi mo, Wolf Kung. Ako dapat ang magsasabi sa iyo nito sa ngalan ng mga eksperto ng Flandom.” Nagpakita ng makahulugang ngiti si Alexander bago ito magpaalam. “Hihintayin ko ang pagpunta mo sa araw ng kompetisyon, Wolf King. Paalam.”
“Paalam.”
Dito na umalis si Alexander.
Agad namang lumapit si Noir nang makaalis ito. “Andy, alam nito na kasama natin ang reyna at si Katalina pero gumawa pa rin ito ng ganitong eksena. Siguradong hindi magand

คลิกเพื่อคัดลอกลิงก์
ดาวน์โหลดแอป Webfic เพื่อปลดล็อกเนื้อหาที่น่าสนใจเพิ่มเติม
เปิดกล้องโทรศัพท์เพื่อสแกน หรือคัดลอกลิงก์แล้วเปิดในเบราว์เซอร์ของคุณ
เปิดกล้องโทรศัพท์เพื่อสแกน หรือคัดลอกลิงก์แล้วเปิดในเบราว์เซอร์ของคุณ