Kabanata 71
Kaswal na sinabi ni Bonnie, “Lalayuan ninyo kami ni Ivor sa tagal ng kasunduan namin kapag nanalo ako. Nakakarindi kasi kayo.”
Tumingin siya kay Rowena at idinagdag, “Ibig sabihin, ikaw din.”
“Oo naman!” Nagngangalit ang ngipin ni Halle. “Anong mangyayari kung matalo ka?”
“Edi talo ako,” mahinang sabi ni Bonnie.
“Aba, ikaw! Hindi ba dapat may parusa ka kung matatalo ka? Manloloko. Mukhang marunong kang manamantala ng iba!”
Napasandal si Bonnie sa isang haligi at itinaas ang kanyang mga kilay. “Huwag na lang natin ituloy ang kumpetisyon kung ayaw ninyo sa deal.”
Lintek na Bonnie ‘yan! Parehong naaasar sina Halle at Rowena, gusto na nilang suntukin siya. Si Bonnie ang lamang, at wala silang maisip na sasabihin sa kanya!
Tumayo si Floyd sa tabi ni Ivor at bumulong, “Medyo maangas pala si Ms. Bonnie.”
“Gaano katagal ang inabot bago mo nalaman iyon?”
Nilingon ni Floyd si Ivor at nakita niyang parang pinagmamalaki nito ang babae.
Nagsimula ang kompetisyon nang maihanda na ang lahat ng matery

คลิกเพื่อคัดลอกลิงก์
ดาวน์โหลดแอป Webfic เพื่อปลดล็อกเนื้อหาที่น่าสนใจเพิ่มเติม
เปิดกล้องโทรศัพท์เพื่อสแกน หรือคัดลอกลิงก์แล้วเปิดในเบราว์เซอร์ของคุณ
เปิดกล้องโทรศัพท์เพื่อสแกน หรือคัดลอกลิงก์แล้วเปิดในเบราว์เซอร์ของคุณ