Kabanata 59
Noong gabi na, kakatapos lang ni Andrew na maglinis ng katawan at maupo sa kama ng makatanggap siya ng tawag mula kay Doria.
“Libre ka ba bukas? Nalaman ni lolo ang tungkol sa insidente sa banquet kahapon at gusto ka imbitahan para sa dinner,” diretsong sinabi ni Doria, hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.
“Abala ako bukas, kaya tatawagan na lang kita bukas ng tanghali,” sagot ni Andrew.
Kung bibisita nga naman bukas si Summer, kailangan niyang asikasuhin muna ang tungkol sa Redwood Mountains.
“Sige.”
Pagkatapos, idinagdag ni Doria, batid ang intriga sa boses niya, “Sino ka ba talaga, Andrew? Lalo akong napapaisip sa iyo habang tumatagal.
“Noong una, noong ipinilit ni lolo na ikasal tayo, ang akala ko sinusuklian lang niya ang kabaitan mo sa pagligtas sa buhay niya. Pero, kung iisipin, may napansin ako na hindi tama.
“Ang galing mo umasikaso ng palihim sa mga problema. Muli mo nasolusyunan ang problemang si Joshua ng tahimik, isang bagay na higit sa kayang gawin ng boy toy lang.”

คลิกเพื่อคัดลอกลิงก์
ดาวน์โหลดแอป Webfic เพื่อปลดล็อกเนื้อหาที่น่าสนใจเพิ่มเติม
เปิดกล้องโทรศัพท์เพื่อสแกน หรือคัดลอกลิงก์แล้วเปิดในเบราว์เซอร์ของคุณ
เปิดกล้องโทรศัพท์เพื่อสแกน หรือคัดลอกลิงก์แล้วเปิดในเบราว์เซอร์ของคุณ