Webfic
เปิดแอป Webfic เพื่ออ่านเนื้อหาอันแสนวิเศษเพิ่มเติม
Numero Unong MandirigmaNumero Unong Mandirigma
โดย: Webfic

Kabanata 114

"Oo nga, dapat magsaya ang lahat ngayong gabi. Ano bang dapat nating ipag-alala kung nandito naman ang manager!" *Tumango si Felicia at tinanong si Fane. "Oo nga pala, ano nga palang trabaho mo, Fane? Bakit napakayaman mo? Sabihin mo samin!" "Isa akong bodyguard!" Ngumiti si Fane at sumagot. "Bodyguard?" Napahalakhak si Sonia noong marinig niya yun. "Haha! Pwedeng-pwede mong sabihin na bodyguard kasi mas maganda yun pakinggan, pero yung totoo isa ka lang hamak na security guard. Sa madaling salita, taga bantay ka lang ng pinto! Huhulaan ko nasa ilang libo lang kada buwan ang sahod mo, tama? Ngayong kumikita ng isang milyon ang asawa mo, hindi ka ba nanliliit?" Napahalakhak si Fane dahil dito. "Ms. Neal, nalilito ka ba sa kung ano ang security guard at bodyguard?" ang tanong ni Fane. "Ang mga security guard nakabantay sa pinto habang ako naman ay isang tunay na bodyguard!" "Bukod pa dun, tinanggap ko yung trabaho dahil ayaw kong isipin ng asawa ko na wala akong ginagawa," da

คลิกเพื่อคัดลอกลิงก์

ดาวน์โหลดแอป Webfic เพื่อปลดล็อกเนื้อหาที่น่าสนใจเพิ่มเติม

เปิดกล้องโทรศัพท์เพื่อสแกน หรือคัดลอกลิงก์แล้วเปิดในเบราว์เซอร์ของคุณ

© Webfic, สงวนลิขสิทธิ์

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.