Webfic
เปิดแอป Webfic เพื่ออ่านเนื้อหาอันแสนวิเศษเพิ่มเติม
Puso Niya, Desisyon NiyaPuso Niya, Desisyon Niya
โดย: Webfic

Kabanata 49

“Lily!” Sigaw ni Maryanne habang nakatayo ito sa pinto. Nakabun ang naglalagablab sa pula nitong buhok. Nakasuot ito ng hinabing sweater na pinaresan ng maiksi at fitted niyang palda. Nagpakita siya ng nagbibirong ngiti kay Lily bago siya humarap kay Terence. “Dalian mo nang ipasok ang mga grocery, Terence!” Nakatayo sa harapan ng silipan si Terence na may hawak sa dalawang malalaking bag ng groceries. Binuksan ni Lily nang husto ang pinto para makadaan si Terence. “Maryanne, Terence, ano ang ginagawa ninyo rito?” “Ano ba sa tingin mo?” Niyakap ni Maryanne ang braso ni Lily bago siya humakbang papasok. “Bakit dito ka lumipat? Doon ka na lang dapat sa akin tumira! Hindi kita sisingilin ng renta roon.” Nilagay naman ni Terence ang mga bag sa table bago niya ayusin ang mga groceries. Nilagay niya ang mga ito sa ref. Wala ng oras si Lily para bumili ng pagkain kaya mabilis na napuno ang walang laman niyang ref. Dahan dahan nang nawawala ang kawalan na kaniyang nararamdaman nitong mg

คลิกเพื่อคัดลอกลิงก์

ดาวน์โหลดแอป Webfic เพื่อปลดล็อกเนื้อหาที่น่าสนใจเพิ่มเติม

เปิดกล้องโทรศัพท์เพื่อสแกน หรือคัดลอกลิงก์แล้วเปิดในเบราว์เซอร์ของคุณ

© Webfic, สงวนลิขสิทธิ์

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.