Kabanata 11

Natulala si Faye. Si Benjamin ay isang tao na madalas nagpapakita sa TV noong panahon. Kaya pala mukha siyang pamilyar. “Siya po yun?” Ang tanong ni Faye na hindi makapaniwala. Tumango si Wilbur, at sinabi ni Faye ng nakakunot ang noo, “Iba po talaga ang pagkakakilanlan ni Mr. Grayson. Pero mukhang hindi po kayo gusto ng apo niya.” “Hayaan mo siya,” Ang sabi ni Wilbur. Tumango si Faye bago niya sinabi, “Boss, handa na po ang lahat. Nakatanggap din po ako ngayong araw ng imbitasyon sa kasal nila Blake at Yvonne.” “Ganun ba? Nagtitiwala ako na mabuti ang gagawin mo,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur. Nagpatuloy si Faye, “Plano ko po na bigyan sila ng isang malaking sorpresa sa kasal nila. Ano po sa tingin niyo?” “Mas malaki, mas maganda,” Ang sagot ni Wilbur habang naalala niya kung paano ang pagtrato ni Yvonne sa kanya. Tumanago si Faye. Tumingin siya sa wine na hindi pa ubos at pagkatapos ay tumingin siya kay Wilbur. “Boss, gusto niyo po ba uminom ako masama niyo?” “Umiinom ka ba?” Tumawa ng mahina si Wilbur. Namula ng konti si Faye. “konti lang po.” Nagbuhos si Wilbur ng isang baso para kay Faye. “Totoo na hindi pa sapat ang nainom ko.” Tinaas ni Faye ang baso niya, nakipag toast siya kay Wilbur. Nag usap silang dalawa habang uminom sila. Hindi nagtagal bago nila naubos ang wine na dinala ni Benjamin. Tila lasing talaga si Faye. Kumuha siya ng isa pang bote mula sa wine cabinet at binuksan niya ito ng hindi nagdadalawang isip. Tumawa si Wilbur. Nagbuhos si Faye ng isa pang baso para sa bawa’t isa sa kanila, at nagpatuloy sila sa pag inom. Makalipas ang isang oras, tumingin si Wilbur kay Faye, na siyang nakatulog na sa sofa. Umiling siya at sinabi niya, “Wag kang uminom ng ganun karami kung hindi mo ito kaya. Ano ang gagawin ko ngayon?” Dahil dito, dinala niya ang walang malay na babae sa itaas. Nilabanan ni Wilbur ang tukso ng katawan, amoy, at aura ni Faye, naging hamon ito sa mental at pisikal na hangganan niya. Sa huli, dinala niya si Faye sa kwarto at nilagyan niya ito ng kumot, pagkatapos ay agad siyang bumaba ng hagdan. Pagkatapos niya umalis, dumilat ng mabagal ang mga mata ni Faye. Tumingin siya sa pinto ng naiinis at binulong niya, “Hindi ba ako nakakaakit sa kanya?” Sa sumunod na umaga. Nang magising si Wilbur, nagdesisyon siya na manatili sa kwarto niya ng mas matagal. Lumabas lang siya ng kwarto niya pagkatapos umalis ni Faye papunta sa trabaho. Medyo awkward ang nangyari kagabi, at medyo kinakabahan siya makita si Faye. Tutal, bilang isang boss, nalasing ang empleyado niya dahil sa kanya. Hindi ito maganda tingnan. Pagkatapos gumawa ng agahan para sa sarili iya, dumiretso siya sa park para mag cultivate. Kasabay nito, sa house number one, nakatayo si Susie sa pinto ng kwarto ng lolo niya at nagmamakaawa siya, “Grandpa, kailangan niyo po magpacheck-up ngayon. Pakiusap, buksan niyo po ang pinto.” Walang sagot. Paulit ulit lang siyang tinawag ni Susie. Makalipas ang mahabang sandali, nagbuntong hininga si Benjamin. Nasa gitna siya ng cultivation. Tumayo siya at binuksan niya ang pinto. Lumabas siya na para bang nasa isang kulungan siya, ngunit hindi siya nagalit sa apo niya. Nakita ni Susie ang lolo niya at mabilis siyang lumapit agad dito. “Grandpa, iniinom niyo po ba ang gamot sa tamang oras?” “Oo, iniinom ko,” Ang kalmadong sabi ni Benjamin. Sa katotohanan, hinagis niya ang gamot sa kanyang shoe cabinet, at nandoon pa rin ang gamot. Tumango si Susie at dinala niya ang lolo niya sa hospital para sa mga check-up. Nang matapos na sila, sinabi ni Dr. Sepia kay Susie, “Lalabas ang mga resulta ngayong hapon. Tatawagan ko kayo.” “Salamat po, Dr. Sepia,” Ang sabi ni Susie bago niya hinatid pauwi ang lolo niya. Nang makauwi na sila, dumiretso ulit si Benjamin sa kwarto niya upang magpatuloy sa pag cultivate. Balisa na naghihintay si Susie. Ang lolo niya ay may malalang sakit, at alam ng lahat ang tungkol dito. May chansa man na gumaling o wala ang lolo niya, nakasalalay ito lahat sa gamot. Alas dos ng hapon nang tumawag na si Dr. Sepia. Tuwang tuwa si Dr. Sepia na sabihin kay Susie na ang kondisyon ng lolo niya ay mas naging mabuti, sa punto na pati ang fibrotic lungs nito ay gumanda ang kondisyon. Isa talaga itong himala. Pagkatapos sabihin ang balita, sinabi ni Dr. Sepia kay Susie na magpatuloy ang lolo nito sa pag inom ng gamot, lalo na at epektibo ito. Masayang sumang ayon si Susie sa lahat. Ibinaba niya ang phone call at nakahinga na siya ng maluwag. Base sa sinabi ni Dr. Sepia, ang lolo ni Susie ay gumagaling na, at mabubuhay ito ng maraming taon ng walang problema. Talagang isa itong magandang balita sa pamilya Grayson. Gayunpaman, naisip niya ang scammer na yun at kinagat niya ulit ang ngipin niya sa galit. Nakilala niya na ang mga taong ito noon. Ang pamilya Grayson ay isang makapangyarihang pamilya sa bansa na ito at wala silang kapantay sa impluwensya, at maraming mga tao ang gustong magkaroon ng koneksyon sa kanila upang makuha nila ang kahit anong gusto nila. Ang lolo niya ay sinabi sa kanila na mag ingat sa mga taong ganito kung sakali na gamitin ng mga ito ang reputasyon ng mga Grayson upang gumawa ng gulo sa bansa o para sa personal na pakinabang. Gayunpaman, ang lolo niya ay halatang nawawala na sa tamang pag iisip dahil sa edad. Siya pa ang naniniwala sa scammer na yun ng basta basta at nakalimutan niya na ang sinabi niya noon. Habang iniisip ito, hindi mapigilan ni Susie na tumawag ulit sa tatay niya. “Dad, kailan po ba kayo uuwi? Hinahayaan po ng scammer na yun na uminom at manigarilyo si Grandpa ngayon. Sumosobra na po siya.” May ilang sandali bago tumunog ang galit na boses mula sa phone, “Ipadala mo sa akin ang mga detalye tungkol sa taong ito. Babalik na ako bukas.” “Okay po. Bilisan niyo po. Huling huli na po si Grandpa sa mga pakana niya.” Pagkatapos ibaba ang phone, sinend ni Susie ang phone number, address, at kahit ang litrato ni Wilbur sa tatay niya. Kasunod nito, kinagat niya ang ngipin niya at galit niyang sinabim, “Hintayin mo lang na pabagsakin ka ng tatay ko, sinungaling na lintik ka.” Alas singko na ng hapon. Maagang natapos si Wilbur sa meditation at pumunta siya sa supermarket upang bumili ng groceries. Pagkatapos ay dumiretso siya pauwi at nagsimula siyang magluto sa kusina. Medyo masama na ang loob niya asi Faye ang laging nagluluto para sa kanya. Noong umuwi na si Faye mula sa trabaho at nakita niya na nagluluto si Wilbur sa kusina, tinakpan niya ang bibig niya ng gulat. Makalipas ang ilang sandali, mabilis siyang lumapit at sinabi niya, “Boss, ako na po ang bahala dito. Hindi ko po kayo pwedeng hayaan na magluto.” “Wala rin naman ang ginagawa. Bukod pa dito, hindi tama na ikaw ang nagluluto para sa akin lagi. Ikaw naman ang titikim ng luto ko.” Pagkatapos, dinala ni Wilbur ang ilang mga pagkain sa mesa. “Salamat po, Boss. Magbibihis muna po ako.” Umakyat ng masaya si Faye, nagsuot siya ng isang lace slip dress bago siya bumaba. Ang slip dress ay tinakpan ang lahat ng kailangan nito, ngunit nakalabas ang mahaba at makinig na legs ni Faye habang naglalakad siya. Ngumiti si Wilbur. “Kumain na tayo.” Ibinaba niya ang mga plato pati kutsara at tinidor sa harap nila, at pagkatapos ay kumain na sila. Tuwang tuwa si Faye, walang tigil siya sa pagpuri kay Wilbur. Isa itong simpleng pagkain, ngunit kumain si Faye na para bang ito ang pinakamasarap ng pagkain sa mundo. Si Wilbur ay may sumandok ng tatlong beses para sa sarili niya. Pagkatapos kumain, ngumiti ang dalawa sa isa’t isa. Humiga ka si Faye sa sofa habang nakalantad ang legs niya. Ang hindi nakikita ay maaaring makita sa anumang oras, at isa itong tukso para kay Wilbur. Gayunpaman, ang sinabi niya lang ay, “Pwede mo bang hugasan ang mga plato?” Umupo ng diretso si Faye, puno ng irita ang mga mata niya. Pagkatapos hugasan ang mga plato, umupo siya sa tabi ni Wilbur. “Boss, kasal na po nila Blake at Yvonne bukas.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.

Terms of UsePrivacy Policy