Kabanata 13

Sa Southlake Resort Island. Ito ay isang privately-owned vacation spot na matatagpuan sa kanluran ng Seechertown at may laki ito na sanlibong ektarya. Ang lupa nito ay napapalibutan ng isang natural na lawa at may isla sa gitna. May higit sa ten billion dollars na naka-invest sa construction ng mga mga five-star hotel at iba’t ibang entertainment facilities. Meron pang iba’t ibang klase ng mga exotic plants na nakatanim dito, kaya ang isla na ito ay isa sa mga pinakasikat na vacation site ng Seechertown. Sa araw na yun, nireserve ni Blake ang buong resort island para sa mga taong imbitado. Ang resort ay ginawang isang malaking event space pagkatapos ng ilang araw ng dekorasyon. Maraming mga mesa at upuan na may sariwang bulaklak pati iba’t ibang mga pagkain at champagne. Nagpark si Wilbur sa labas ng Southlake at naglakad siya papunta sa isla. Sa harap nito ay ang check-in table ng mga bisita pati na rin ang gift collection counter. Naglakad si Wilbur patungo sa mesa at nilagay niya ang five hundred dollars na inihanda niya. “Heto ang regalo ko.” Ang mga tao sa mesa ay mga miyembro ng pamilya Willow. Ang isa sa kanila ay nakita na ito ay si Wilbur at tumingin ito ng nanunuya sa pera sa mesa. “Giyos ko, wala ka na ba talagang pera? Tingnan mo ang iba. Ang mga regalo nila ay higit na may halagang ten thousand dollars! Hindi ka ba nahihiya na magbigay ng maliit na halaga?” Tumawa ng mahina si Wilbur at sumagot siya, “May five million dollars ako, pero may umagaw nito at ayaw pa rin akong bayaran hanggang ngayong araw. Five hundred na lang ang meron ako ngayon.” Dumilim ang ekspresyon ng event supervisor nang marinig niya ang mga salitang ito at galit niyang sinabi, “Bro! Sinusubukan mo bang gumawa ng eksena dito?” Sumagot ng malalim na boses si Wilbur, “Ako? Gagawa ng eksena? Yun naman ang laging ginagawa ng pamilya Willow..” Ngumisi ng malamig ang supervisor, “Makinig ka, iho. Kung hindi dahil sa instruction ni Mr. Woods at Ms. Yvonne, bubugbugin na kita.” “Hindi ako naniniwala doon,” Ang kalmadong sagot ni Wilbur. Ang ilang miyembro ng pamilya Willow sa tabi ng supervisor ay narinig ito at magiging pisikal na sana sila. Gayunpaman, pinigilan sila ng supervisor at sinabi nito, “Mahalaga ang araw na ito para kay Ms. Yvonne. Hayaan niyo na siya. Lagot siya sa atin kapag tapos na ito.” “Humanap ka ng sarili mong lugar para upuan. Maraming makakain at maiinom. Dapat mong kunin sulitin ang pera mo,” Ang panlalait niya. Hindi ito pinansin ni Wilbur at naglakad lang siya ng may kumpiyansa. Samantala, ang supervisor ay tumawag kay Yvonne. Naglakad si Wilbur papunta sa central region ng isla. Kumuha siya ng isang baso ng champagne bago siya naghanap ng lugar na uupuan. Alas onse na ng umaga, at pumapasok pa rin ang mga bisita. Ang ilan sa kanila ay mga taong makapangyarihan, at ang check-in table ay nag announce ng pagdating nila bilang respeto pati na rin ang magkaroon ng karangalan. Sikat din ang Woods Corporate sa Seechertown, isa ito sa pinakamalaking establishment sa lungsod. Ang mga bisita ngayong araw ay mga tao na may mataas na katayuan. Hindi nagtagal, pagkatapos umupo ni Wilbur, lumapit sa kanya sina Blake at Yvonne. May suot na deep black suit si Blake at nakaayos patalikod ang makinang na buhok niya. Samantala, si Yvonne ay may suot na skintight white dress, masaya siyang nakakapit sa braso ni Blake. Ang pares ay lumapit kay Wilbur, at sinabi ni Blake ng nakangiti, “Hindi ko inaasahan na may lakas ng loob ka para magpakita.” “Inimbitahan ako. Natural, nandito ako para i-congratulate kayong dalawa. Tutal, kasal kami ni Yvonne noon,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur. Sumingit agad si Yvonne, “Tumigil ka na sa pagsabi ng mga nakakadiri na bagay. Inimbitahan kita para makita mo ang kinatatayuan mo. Oras na para makita mo ang katotohanan at tumigil ka sa pagpapantasya na tungkol sa maaaring naging tayo.” “Kahit kailan ay hindi ko yun naisip simula noong umalis ako sa mga Willow,” Ang sabi ni Wilbur. Nangutya si Yvonne. “Mabuti. Umupo ka lang dyan at panoorin mo kung ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng koneksyon, kapangyarihan, at presensya. Walang kwentang lintik ka.” “Siguradong manonood ako. Sana ay hindi ako madismaya,” Ang sagot ni Wilbur ng nakangiti. Tumawa si Blake at sinabi niya, “Siguradong hindi ka namin bibiguin. Ang lahat ng nandito ay mga tao na pangarap mo lang maging. Enjoy sa panonood habang meron pa ito.” Pagkatapos nito, nagpalitan ng ngiti ang pares at naglakad sila palayo ng magkakapit ang mga braso. Umiling si Wilbur. Uminom siya ng champagne, wala siyang ibang nalasahan kundi ang pait. “Ang CEO ng Cape Consortium headquarters sa Kardon Province, si Faye Yves, ay dumating na.” Nag palakpakan ang mga tao sa announcement na ito. Ang kapangyarihan ng Cape Consortium ay world-class, sa puno na kahit ang CEO ng isang partikular na branch ay mahalaga. Tutal, representative siya ng Cape Consortium. Nakatayo sina Blake at Yvonne sa check-in table, hinihintay ang pagdating ng mga mahahalagang tao. Nang dumating si Faye, ang pares ay hinatid siya papunta sa main table ng banquet hall. Nilampasan ni Faye ang mga mesa, tumingin siya sa mga mata ni Wilbur at nagpalitan sila ng ngiti sa isa’t isa. Pagkatapos dalhin si Faye sa upuan nito, sina Blake at Yvonne ay bumalik ulit sa check-in table upang maghintay sa ibang mga bisita. Sa sandaling ito, may isang matangkad at maskuladong lalaki na pumunta sa check-in table kasama ang isang attendant. Ang lalaki ay tumingin kela Blake at Yvonne at lumapit siya sa mga ito ng may malaking hakbang. Ang hula ng supervisor ay hindi kilala nila Blake at Yvonne ang lalaking ito, kaya mabilis siyang lumapit sa lalaki. “Sir, may hinahanap po ba kayo?” “Hinahanap ko si Wilbur Penn,” Ang malamig na sinabi ng lalaki. Natulala ang supervisor. Tumingin siya kay Blake at Yvonne bago niya sinabi, “May problema po ba?” Sa sandaling ito, sumigaw ang attendant ng lalaki, “Siya ang taong namumuno sa militar ng Kardon Province, si Gordon Grayson. Kailangan ko pa ba ireport sayo kung ano ang gusto niyang gawin?” Nabigla ang supervisor. Ang lalaki ay siguradong makapangyarihan, ngunit wala siya sa guest list. Nataranta din sina Blake at Yvonne at mabilis silang lumapit. “General Grayson! May kailangan po ba kayo mula kay Wilbur?” Ngumisi sa loob ang magkasintahan. Sa opinyon nila, siguradong ang relasyon ni Wilbur sa isang makapangyarihang tao ay hindi maganda. Malamig na sinabi ni Gordon, “May personal na bagay akong kailangan asikasuhin kasama siya. Wag kayong mag alala. Hindi ako magiging abala sa kasal niyo.” Hindi mapigilan ng pares ang gulat at tuwa nila nang marinig ang mga salitang ito. Hindi lang sa hindi kilala ni Gordon si Wilbur, halata na may masamang relasyon sa pagitan ng dalawa. May lakas ng loob pala si Wilbur upang galitin ang isang national general na tulad ni Gordon Grayson! Ang lalaking yun ay gusto talagang mamatay. Ang pares ay mabilis na lumapit at dinala si Gordon sa loob habang nagpaliwanag sila, “Wala pong kinalaman si Wilbur Peen sa amin.” “Tama. Siya po ang ex-husband ko. Tambay po siya sa pamilya namin ng tatlong taon, kaya nag divorce po kami. Pinilit niya pong pumunta dito ngayong araw, hindi po siya tumatanggap ng hindi, kaya wala po kaming puso para palayasin siya. Ugh…” Gumawa ng istorya si Yvonne habang nagsasalita siya, takot na baka madamay siya. Kumaway si Gordon. “Hindi ko kailangan malaman ang istorya mo. Nandito lang ako para ayusin ang mga bagay sa pagitan namin.” Ngumiti si Blake. “Okay po, okay po. Pwede niyo pong gawin ang kahit ano sa kanya. Baka nga po nararapat sa kanya na matuto ng isang leksyon mula sa inyo.” Habang sinasabi niya ito, ang grupo ay nakarating kay Wilbur. “Siya yun. May kailangan po ba kayong ipagawa sa akin?” Ang tanong ni Blake. Kumaway si Gordon. “Hindi na kailangan. Gusto ko siyang kausapin ng personal. Magpatuloy lang kayo sa ginagawa niyo.” “Okay po,” Ang magkasintahan ay pumayag agad bago nila sinabi kay Wilbur, “May lakas ng loob ka talaga para galitin ang isang tao na tulad ni General Grayson. Lagot ka ngayon.” Pagkatapos itong sabihin, yumuko silang dalawa kay Gordon at umalis na sila. Pagkatapos, sinabi niya sa driver niya na maghintay sa labas at sinabi niya, “Wag mo akong abalahin maliban kung ito ay isang tawag mula sa headquarters.” Pagkatapos ibigay ang utos, umupo siya sa harap mismo ni Wilbur. “May gusto ka bang sabihin?” Ang malamig na tanong ni Gordon kay Wilbur.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.

Terms of UsePrivacy Policy