Kabanata 1

“Wilbur, bakit mo ginahasa si Yvonne?” Sumagot ng kalmado si Wilbur Penn sa mga akusasyon ng mga Willow, “Noong gabi, umuwi ng lasing si Yvonne at magulo ang damit niya. Tinulungan ko lang siya papunta sa kama upang makapag pahinga siya, pero inaaksusahan niyo ako na ginahasa ko siya. Pati, asawa ko siya. Paano ito maituturing na panggagahasa?” “Karahasan ang ginamit mo, kahit na kasal na kayo,” Ang sigaw ng biyenang-lalaki ni Wilbur, si Jackson Willow. Ang biyenang-babae niya, si Miranda Wester, ay nakisingit din. “Tama! Kailangan niyo mag divorce ngayong araw, at walang maiiwan na kahit ano sayo.” Kumunot ng malalim ang noo ni Wilbur… Para bang may bagyo na namumuo. Pagkatapos, ang mas batang hipag niya, si Chelsea Willow, ay sinabi, “Dad, Mom, ano po ang ginagawa niyo? Kung hindi po tayo binigyan ni Wilbur ng fifty million dollars noon, hindi po tayo aangat mula sa pagiging mga karaniwang tao at naging mga bilyonaryo, kasama ang isang lumalago na supermarket business. Nakalimutan niyo na po ba ang ginawa ni Wilbur para sa atin?” Ang asawa ni Wilbur, si Yvonne, ay sumigaw. “Tumahimik ka! Totoo na binigyan niya tayo ng fifty million dollars, pero wala pa siyang ginawa nitong nakalipas na tatlong taon maliban sa pagiging tamad! Binuo natin mismo ang Willow empire. Wala siyang kinalaman dito.” Sasagot sana si Chelsea nang sinabi ng tatay niya, “Wala ka nang dapat sabihin. Magkakaroon sila ng isang divorce.” Kinagat ni Chelsea ang labi niya at nagbuntong hininga siya. Umiling si Wilbur. Tatlong taon na ang lumipas. Maliban kay Chelsea, binigo siya ng bawat miyembro ng pamilya. “Pag iisipan ko ito,” Ang sabi ni Wilbur habang bumalik siya sa kwarto niya. Naglakad si Wilbur papunta sa shower pagkatapos maghubad. Sa kanyang likod, makikita ang isang nakakatakot na ulo ng dragon, halos sakop nito ang buong likod niya. Hindi ito isang tattoo, ngunit isa itong marka an meron siya simula pa noong isinilang siya. Meron din siyang misteryosong enerhiya mula sa marka. Simula nang araw na yun, pinalitan niya ang pangalan niya at ginawa niya itong Trevor Penn, buong buhay ang gamit niya habang nakikipaglaban sa ibang bansa, at gumawa siya ng marka sa kasaysayan sa paggawa niya ng maalamat na Abyss Mercenaries. Napagod na siya sa lahat ng pagdalak ng dugo makalipas ang maraming taon at nag hiwa-hiwalay ang mga mercenary nang may sapat na pera na siya. May ilang mga executive ang nanatili, at ginamit nila ang mga kayamanan nila para buoin ang Cape Consortium. Kinuha nila ang mga pinakamahuhusay na mga tao mula sa Waller Street upang patakbuhin ito, gumawa ng investment sa buong mundo at naging isa sa best consortium sa mundo. Si Wilbur mismo ay bumalik sa Seechertown. Ginamit niya ulit ang dati niyang pangalan na Wilbur at nagpakasal siya sa fiancee niya, si Yvonne Willow. Handa na siyang magretire sa dating pagkakakilanlan niya upang tumira na siya ng habang buhay sa suburbs. Noong una, tuwang tuwa mga Willow na mukha ang fifty million dollars mula sa kanya at trinato nila si Wilbur na parang isang hari. Ngunit nang lumipas ang panahon, ang mga Willow ay yumaman, at nagbago ang paraan ng pagtrato nila kay Wilbur. Ngayon, sinusubukan pa nilang palayasin si Wilbur ng walang maiiwan sa kanya. Nakatayo sa ilalim ng malamig na tubig si Wilbur habang naging malamig ang ekspresyon niya. Hindi naman sa tumatanggi siya na lumayas sa mga Willow, ngunit ang lolo ni Yvonne ay isang benefactor ng lolo niya noon. Ang huling hiling ng lolo ni Wilbur ay ang magpakasal siya sa mga Willow upang bayaran ang pabor na yun. Ang mga lolo nila ay maagang nangako sa isa’t isa ng arranged marriage. Itinuloy ni Wilbur ang kasal, ngunit nagsasawa na ang mga William sa kanya. Dahil ganito ang nangyari, aalis na lang siya. May punto ba na magdusa siya ng ganito? Titira siya sa mga bundok at magpopokus siya sa cultivation. Mas mabuti na rin ito. Nang makapagdesisyon na siya, naglakad si Wilbur palabas ng banyo. Magbibihis na sana siya nang buksan ni Chelsea ang pinto ng kwarto at pumasok ito. “Ahh! Ano ang ginagawa mo? Magsuot ka ng damit!” Sumigaw sa gulat si Chelsea at mabilis niyang sinara ang pinto. Sinuot ni Wilbur ang mga damit niya, namumula ang mukha niya. Nakakahiya na makita ni Chelsea ang buong katawan ni Wilbur. “Tapos na ako. Pwede ka nang pumasok ngayon,” Ang sabi ni Wilbur habang ginawa niya ang lahat para magsalita ng kalmado. Binuksan ng konti ni Chelsea ang pinto at pumasok lang siya nang sigurado na siya na nakabihis na si Wilbur. Umupo silang dalawa sa sofa. Namumula ang mukha ni Chelsea, “Wilbur, alam ko na mahirap ito para sayo, pero hindi mo kailangan mag alala. Hindi ko hahayaan na mag divorce kayo. Ang mga Willow ay hindi makakarating dito kung hindi dahil sayo. Hindi ko ito kakalimutan.” “Ikaw talaga. Hindi maganda ang pilitin ang mga bagay na hindi nararapat. Hindi mo na ito dapat pag isipan pa,” Ang sagot ni Wilbur. Si Chelsea lang ang tanging tao sa pamilya Willow na mabait kay Wilbur. Siya lang ang tanging may puso na puro pa rin, at bihira ito mahanap. Ngunit sinabi ni Chelsea, “Mahalaga ito sa akin! Wag mo silang pansinin. Hindi ka nila pwedeng pilitin na mag divorce basta’t hindi ka pumayag dito. Makinig ka sa akin.” “Sige na. Naiintindihan ko. Pumasok ka na sa trabaho,” Ang sabi ni Wilbur ng nakangiti. Tumingin si Chelsea sa relo niya. “Aalis na ako ngayon. Tandaan mo ang sinabi ko.” Tumayo lang si Chelsea pagkatapos tumango ni Wilbur. Ngumiti si Wilbur. Naninigarilyo siya bago siya tumayo para pumunta sa ibaba. Sila Yvonne at ang mga biyenan lang ni Wilbur ang nandoon. “Hindi ba kayo papasok ngayon?” Ang tanong ni Wilbur. Ang pamilya Willow ay gumawa ng empire nila, at lahat sila ay laging busy. Ano ang nangyayari? Suminghal ng malamig si Yvonne. “May mga bisita kami ngayon, at pinaghahandaan namin ito.” Tumingin si Wilbur sa mga katulong na nagsisikap sa trabaho nila. May sasabihin sana siya nang bumukas ang front door. “Ah, nandito ka, Mr. Woods. Sige, maupo ka.” Sinalubong nila Jackson at Miranda ang lalaki sa pinto, tinulungan nila ito papunta sa sofa. Lumapit din si Yvonne sa lalaki, umupo siya sa tabi ng lalaki at binati nila ang isa’t isa. Kumunot ang noo ni Wilbur. Umupo siya sa tabi at naninigarilyo siya. Ang apat ay nag uusap ng masaya, hindi nila pinapansin si Wilbur. Si Wilbur mismo ay walang sinasabi, gusto niyang makita kung ano ang magaganap. Pagkatapos ng ilang sandali, tumalikod si Mr. Woods at sinabi niya kay Wilbur, “Ikaw siguro si Mr. Wilbur Penn.” Ngumiti ng maliit si Wilbur. “Oo, at ano ang itatawag ko sayo?” “Ako si Blake Woods. CEO ng Woods Corporate.” Nakangiti si Blake kay Wilbur. Tumango si Wilbur at sinabi niya kalmado. “Nabalitaan ko na ang tungkol sayo.” “Nabalitaan ko na kasal na kayo ni Yvonne ng tatlong taon pero hindi kayo naging malapit sa isa’t isa. Totoo ba ito?” Ang walang hiyang tanong ni Blake. Tumango si Wilbur. “Oo.” Umabot siya sa isang importanteng punto sa cultivation noon at kailangan niya manatiling puro. Ito ang rason kung bakit hindi pa siya sumiping kay Yvonne. Gayunpaman, pagkatapos niya lumampas sa puntong yun, nawala na ang nararamdaman ni Yvonne para sa kanya. Hindi niya rin pinilit si Yvonne, kaya ang dalawa ay nanatiling kasal sa pangalan lamang. Humahalakhak si Blake. “Sinabi ito ni Yvonne sa akin kagabi, at hindi ako makapaniwala… pero mukhang totoo ito. Paano mo nagawa na tiisin ang isang magandang tulad niya? Hindi kaya’t nagkukulang ka sa isang bagay?” Ngumisi si Wilbur habang napansin niya ang mayabang na tono ni Blake, ngunit nanatili siyang kalmado. “Ikaw ang umiinom kasama niya kagabi? Sinabi niya ba sayo ang lahat?” “Tama. Matagal kaming nag usap ng gabi. Sayang at ngayon lang kami nagkakilala sa buhay namin. Sayang talaga at ang isang mabuting tao ay kinasal sa isang walang kwentang lalaki na tulad mo.” Umiling si Blake. Ngumisi ng malamig si Wilbur. “Mukhang alam mo na ang tungkol dito, at hinihintay mo na lang na lumayas ako, tama ba?” Sumagot ng mayabang si Blake, “Magiging totoo ako sayo. Ang Woods Corporate ay may bilyon-bilyong halaga ngayon. At may bagong koneksyon kami sa Cape Consortium, at mag iinvest sila ng karagdagang limang bilyon sa amin. Lumalaki ang kumpanya ko sa bawat lumipas na sandali. Magiging masaya lang si Yvonne kasama ka. Ano ang maibibigay mo sa kanya?” “Nasa Seechertown ang Cape Consortium?” Ang gulat na tanong ni Wilbur. Minsan lang siya nagtanong o nakialam sa finances ng consortium na ito at wala siyang ideya na nag expand na sila hanggang dito.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.

Terms of UsePrivacy Policy