Kabanata 12

Matapos niyang kumain ng almusal, naligo si Tang Ruochu at naghanda para pumasok sa trabaho. Papunta na rin si Lu Shijin sa kanyang opisina, kaya’t ihahatid niya na rin si Tang Ruochu papunta doon. Nang marating nila ang Times Entertainment, biglang pinatigil ni Lu Shijin si Tang Ruochu at sinabi ng taimtim, “Sa tingin ko ay hindi basta bastang palalampasin ito ng pamilya mo. Wag mo ako kalimutan tawagan kapag may nangyari sa susunod na dalawang araw.” “Sige. Salamat, Shijin.” “Gusto ko sanang makita ang pagbawi mo sa kilos at hindi lamang sa salita, pero dahil mukhang gumagaling ka na sa pagtawag sa pangalan ko, palalampasin ko muna ito,” ang sabi ni Lu Shijin bago niya nilabas ang mailap niyang mga ngiti. Namula si Tang Ruochu at nagmadaling nagpaalam bago siya tumakbo palabas ng kotse ng hindi na tumitingin patalikod. Nag-sign in na si siya matapos dumating sa opisina, umupo, at nagsimulang maghanda ng mga tanong para sa interview ngayong araw. Gayunpaman, kakasimula niya palang nang dumating si Song Anyi at hinila siya palayo. Hinila ni Song Anyi ang kaibigan niya sa restroom, kinandao ang pinto, at agad nagtanong, “Sinabi mo na lumipat ka ng bahay kahapon. Anong nangyari? Pinalayas ka ba nang bruhang Gu Ruoruo na yon? “Hindi, ako yung may gustong lumipat,” mahinahon na sinabi ni Tang Ruochu habang iniling ang kanyang ulo. ... “Sa tingin mo ba ay paniniwalaan ko yan?” ang panunuya ni Song Anyi. Naglabas ng buntong hininga si Tang Ruochu at umamin, “Sige na, kalahati lang ang totoo doon.” “Ano ba talaga ang nangyari?” tanong ni Song Anyi. Nagkibit balikat si Tang Ruochu at sinabing, “Wala naman masyado. Gaganapin ni Gu Ruoruo ang engagement party nila ni Ji Yinfeng bukas at pinakiusapan ako ni tatay na dumalo sa kasal nila…” “Ano!!!” nanlaki ang mga mata ni Song Anyi dahil di siya makapaniwala at napanganga sa gulat para sa kaibigan niya. ... Inasahan na ni Tang Ruochu ang reaksyon niya at nagpatuloy lang na ngumiti. Tumingin si Song Anyi sa kaibigan niya at nakiramay na sinabing, “Ruochu…” “Wag ka mag alala, ayos lang ako. Kung gusto nila maging engaged, bahala sila. Talagang hindi ako pupunta sa event. Gusto akong pukawin ni Gu Ruoruo pero hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon.” Hindi niya na hahayaan ang sarili niyang madala ng emosyon dahil kay Gu Ruoruo o kay Ji Yinfeng. Gagawin niya ang lahat para kay Ji Yinfeng noong mahal niya ito, pero ngayon at nawala na ang pag iibigan nila, kinamumuhian na ni Tang Ruochu ang lahat tungkol sa kanya. Nagkakamali si Gu Ruoruo kung iniisip niyang gamitin ito para pukawin si Tang Ruochu. Dahan dahang tinatanggap ito ni Tang Ruochu sa mga nakaraang araw. “Ruochu, masaya ako na ganyan na ang pag iisip mo. Nag alala ako na baka magdusa ka ng sobra dahil sa mga kagagawan nila,” ang sabi ni Song Anyi. Nag alala siya na ang kaibigan niya ay hindi kakayanin ang mga nangyari, pero matapos niya marinig ang mga sinabi ni Tang Ruochu, nakahinga siya ng maluwag. “Wag ka mag alala. Hindi naman ako ganon katanga,” ang sabi ni Tang Ruochu nang tinapik niya ang kanyang kaibigan sa balikat. “Tara na. Kailangan na natin bumalik sa opisina,” ang sabi niya na may kasamang ngiti. “Sige.” Napaisip bigla si Song Anyi matapos silang lumabas ng restroom. “Oo nga pala, saan ka lumipat?” ang tanong niya. “Uh…” nagdadalawang isip na sabi ni Tang Ruochu. “Ipapaalam ko nalang sayo sa mga susunod na araw.” “Anong nangyayari? Bakit mo nililihim sakin ang tungkol dito…?” ... Ang sumunod na araw ay ang araw kung kailan gaganapin ang engagement party nila Ji Yinfeng at Gu Ruoruo. Ang wedding announcement nila ay nakakalat sa front page ng lahat ng mga sikat na dyaryo ng umagang iyon. Nanggaling si Ji Yinfeng sa isang mayamang pamilya at talagang popular siya. Dagdag pa doon, ay malaki ang personal na halaga niya, kaya’t may kapangyarihan siya sa mga headline. Para kay Gu Ruoruo, ito ang unang beses niyang paglabas sa mga dyaryo bilang nobya ni Ji Yinfeng maliban sa mga iskandalosong litrato na inihayag. Ang wedding announcement nila ay nag sanhi ng kaguluhan online. Sino nga ba si Gu Ruoruo? Bago ang wedding announcement, ang alam lang ng publiko ay isa siyang artista na hindi hihigit sa isang D-lister. Gumanap na siya sa maraming drama sa telebisyon pero hindi siya kapansin pansin at karamihan sa mga reporter ay hindi siya natatandaan. Walang nag akala na aakyat siya sa ranggo at biglang naging maybahay ng isang mayaman na pamilya, kaya’t ang pagbabago ng katayuan niya ay nagsimula ng malaking kaguluhan online. Ito ay isang mahusay na galaw mula sa parte ni Gu Ruoruo. Sadyang nilihim niya sa publiko ang pagkakakilanlan niya bilang nobya ni Ji Yinfeng, at gumawa ng malaking pasabog matapos ilabas ang kanilang wedding announcement. Nag sanhi ito ng pag angat ng kanyang popularidad. Sa ngayon, ang mga litrato niya ay nagkalat sa Weibo, sa mga sikat na tsismisan online, at iba’t ibang website. Talaga ngang lumaki na siya pagkatapos ng wedding announcement. “May pagka demonyo talaga ang babaeng yan!” ang sabi ni Song Anyi matapos niyang basahin ang balita. ... Nagulat rin si Tang Ruochu pero tinawanan niya lamang ang mga pagkilos ni Gu Ruoruo. ... Pumasok lamang si Gu Ruoruo sa mundo ng entertainment dahil naiinggit siya kay Tang Ruochu nang magkaroon siya ng kaunting kasikatan sa loob ng industriyang ito. Maliban sa kanyang magandang mukha, wala na siyang ibang katangian na maipapamalas para pumasok sa industriya ng entertainment. Dahil lamang sa mga koneksyon kaya nakakakuha siya ng iilang mga pagganap sa telebisyon. Hindi inaasahan ni Tang Ruochu na pagsamantalahan ni Gu Ruoruo ang wedding announcement nila para ilabas ang sarili niyang pangalan. “Hindi talaga tumitigil mag isip ang babaeng ito ng paraan para hilahin ako pababa!” ang sabi ni Tang Ruochu. ... Biglang napasyal si Lu Xiaolin at sinabing, “Tang Ruochu, ang young master ng Ji Group at si Gu Ruoruo ay na-engage na, kaya’t nag inbita sila ng mga reporter para sila ay bigyan ng interview. Nakita kong ikaw ang may pinakamataas na kakayahan sa departamento nitong mga nakaraan, kaya’t pinili ka namin na pumunta doon.” Si Lu Xiaolin ang deputy director ng news and media department. May ilang bilang din ng mga reporter ang nagtatrabaho sa ilalim niya, kabilang na doon si Tang Ruochu at Song Anyi. Palagi siyang umaasta na parang mataas at makapangyarihan at laging nang aapi ng iba. Namutla pareho sina Tang Ruochu at Song Anyi at sabay nilang sinigaw, “Ano!!!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.

Terms of UsePrivacy Policy