Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 2293

Tumingin si Luna sa likod ni Joshua at inisip niya ang mga oras na nagtanong siya kay Joshua tungkol sa hacking at kung kaya ni Joshua gawin ito. Nabigla si Luna dahil dito at hindi niya na ulit ito binanggit kay Joshua. Anim na taon na ang nakalipas, nagkita na ulit sila. Gayunpaman, may punto na nabasag ang puso niya nang malaman niya na mahusay si Joshua sa hacking at akala niya na hindi nag abala si Joshua na ipakita ito sa kanya. Kahit na nabanggit niya na naisip niya na astig ang pagiging isang hacker at matutuwa siya kung ang asawa niya ay isang hacker, tumanggi si Joshua na ipakita ito sa kanya. Nasa harap na ni Luna ang katotohanan; inaral ni Joshua ang lahat ng ito dahil kay Luna! Naaalala ni Joshua ang sinabi ni Luna. Hindi lang ‘yun, inaral niya pa ito. Sa mga panahong ito, ito ay isang hindi pagkakaunawaan. Akala ni Luna ay kinamumuhian siya ni Joshua. Habang iniisip ito, naramdaman niya na nilalamon siya ng konsensya. Isa siyang tanga para maniwala sa sinasabi ng ibang tao sa kanya noong sinabi nila na hindi siya mahal ni Joshua. Kahit anong gawin ni Joshua para kay Luna, pinaniniwalaan niya lang ito noong sinabi sa kanya na walang damdamin si Joshua para sa kanya. Ito ang ugat ng kakulangan niya ng tiwala sa sarili. Sa relasyon na ito, si Luna ang unang nahulog para kay Joshua. Siya ang nagsimula ng lahat, kaya’t nahirapan siya na tanggapin ang katotohanan na walang damdamin si Joshua para kanya. Huminga ng malalim si Luna at hinabol niya si Joshua, hinawakan niya ang kamay nito. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na ang rason kung bakit natutunan mo ang lahat ng ito ay para sa akin?” Umiling si Joshua. “Hinihintay ko na malaman mo ito ng mag isa.” Hinihintay niya rin na malaman ni Luna na may damdamin siya para dito. Ngunit, naniniwala ang babaeng ito sa sinasabi ng iba sa kanya. Kahit na marami nang ginawa si Joshua para kay Luna, hindi naisip ni Luna na mamahalin siya ni Joshua. Mabuti na lang at naniniwala na si Luna sa huli, at ang lahat ng ginawa ni Joshua sa Merchant City ay nagbunga na. “Kailangan mo sabihin sa akin, Joshua, para nalaman ko sana, pati na rin ang lahat ng ginawa mo para sa akin. Kailangan mo sabihin sa akin.” Tinikom ni Luna ang mga labi niya at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Joshua. Sinabi niya ng may mababang boses, “Kapag hindi mo sinabi, hindi ko malalaman.” Ngumiti si Joshua. “Hindi ko pa rin sasabihin sa susunod. Gusto ko na ikaw mismo ang makaalam.” Dumating sila sa administrative department ng hospital, magkahawak ng kamay habang nag uusap sila. Nang makapasok na sila sa department, kumunot ang noo ni Luna. “Oo nga pala, bakit bigla mong binanggit ang pagiging hacker?” Malambing na hinimas ni Joshua ang ulo ni Luna. “Binanggit ko ito para sabihin sayo; ang asawa mo ay isang mahusay na hacker. Base sa oras at IP address ng gumaya kay Bonnie, makakakuha ako ng impormasyon mula sa kanya.” Naiintindihan ni Luna ang plano ni Joshua. Pagkatapos ay sinabi nila sa administrator ang rason ng pagbisita nila, at nahanap ng administrator ang phone ni Christopher at pinasa ito sa kanila. Binuksan ni Joshua ang phone ni Bonnie at nagsimula na siyang maghack, napansin niya ang email na sinend sa phone ni Christopher. Ang send ng email ay, walang duda na si Bonnie.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.