Kabanata 12 Pagbibigay sa Kanya ng Pitong Daang Libong Dolyar

Hindi pinakasalan ni Yvonne si Henry para sa kanyang pera. Nagpakasal lang siya sa kanya dahil lihim na niyang hinahangaan siya sa loob ng maraming taon. "Sa palagay ko kailangan mo." Naging pangit ang ekspresyon ni Henry. Walang sinumang tumatanggi sa kanya nang direkta. “Nga pala, kailangan ko pang hanapin ang mama ko. Pwede mo ba akong ihatid doon?" Napakatagal niyang nawala at hindi alam kung naghihintay pa rin ang kanyang ina sa ospital. Siguro umuwi na siya. "Oo naman." Iniliko ni Henry ang kotse at diretso siyang inihatid sa bahay ng kanyang ina. Dahil sa kagandahang-loob, bumaba rin siya sa kanyang sasakyan at sinamahan si Yvonne. Gigil na hawakan ni Yvonne ang kanyang bag. Bagaman matagal na silang kasal, ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinamahan siya ni Henry sa kanyang tahanan. "Andito na ba tayo?" “Malapit na." Binilisan ni Yvonne ang kanyang hakbang at namula, hindi siya naglakas-loob na tumingin sa mukha ni Henry. Sa oras na makarating sila, ang pintuan sa harap ay naiwan nang nakaawang. Tinulak ni Yvonne ang pinto. "Ma, nakauwi ka na ba?" "Bakit ang tagal mo?! Nagawa mo bang bawiin ang pera? Ipakita mo saakin!" Ang ina ni Yvonne ay lumabas mula sa silid saka inabot ang kanyang bag, hindi niya napansin si Henry na sumusunod sa likuran ni Yvonne. Inilabas niya ang lahat ng pera sa bag ng kanyang anak na babae. Naging itim ang mukha niya kaagad matapos niyang magbilang. "Ilang libong dolyar lamang? Paano mo matutulungan kapatid mo sa kaunting pera? Nagsisimula na akong magtaka kung may pakialam ka man lang sa kanya! " “Ma, ito lang ang perang mayroon sa card ko! Kumusta si Jason? Dapat ba akong pumunta at kumustahin siya?" "Ano ang dapat kumustahin dun?" Inikot ng kanyang ina ang mata nito sakanya. "Ang iyong kapatid ay hindi talaga nakabangga ng sasakyan. Pumasok siya sa stock trading kasama ang ilang mga kaibigan at nawala ang halos isang daan at limampung libong dolyar dahil sa isang pagbagsak ng merkado sa stock. Bakit hindi ka humingi kay Henry ng pera? Kasal ka na sa kanya, kaya natural na ang pera niya ay pera mo rin!" "Ma!" Namutla si Yvonne. Hindi niya inaasahan na sinabi ng kanyang ina ang mga bagay na ito nang natural, hindi niya ito napigilan sa oras. Naku! Narinig din siguro ito ni Henry! Inilibot ni Yvonne ang kanyang ulo sa gulat, nais na isara ang pinto nang sobra at palabasin ng bahay. Wala siyang ideya kung ano ang iisipin ni Henry sa kanya pagkatapos nito. "One hundred fifty thousand dollars, di ba?" Sa kanyang gulat, ang natatanging malalim na tinig ng lalaki ay nagmula sa labas. Di-nagtagal pagkatapos nito, isang matangkad na pigura ang lumitaw sa tabi niya at idinaan ang kanyang malamig na titig sa kanya. Ibinaba ni Yvonne ang kanyang ulo sa kahihiyan. Nais niyang masabi sa kanya na ang lahat ay hindi pagkakaintindihan lamang ... pero paano niya matutulungan ang kanyang nakababatang kapatid nang walang isang daan at limampung libong dolyar? Mayroon ba siyang ibang mga pagpipilian bukod sa paghiling kay Henry na pahiramin siya ng pera? "Ay naku. Nandito ka rin pala, Henry? Yvonne, dapat sinabi mo sa akin kanina!” Inabot ng ina ni Yvonne ang kanyang kamay kasama ang isang palakaibigang ngiti at sinubukang yayain si Henry. "Henry, pumasok ka muna at umupo ka ..." "Ayos lang, Mrs. Frey." Tinanggihan niya ang paanyaya sa kanya, pagkatapos ay kinuha ang kanyang telepono at nag-dial ng isang hanay ng mga numero. "Ihanda mo sa akin ang isang tseke para sa pitong daang libong dolyar at dalhin ito." P-Pitong daang libong dolyar ?! Napailing si Yvonne sa gulat. Bakit pitong daang libong dolyar? Ang kanyang kapatid na lalaki ay may utang lamang na nasa isang daan at limampung libong dolyar! "Henry, ikaw ... Naku, alam kong tama ang sinabi ko na talagang blessing sa pamilya namin na ikinasal sa iyo si Yvonne!" Lalong lumawak ang ngiti sa mukha ng ina ni Yvonne. Alam niya na ang mayaman niyang manugang ay hindi kailanman sila iiwan! "Mrs. Frey, maiba lang ako, hindi ba dapat mong tanungin kung bakit nasa ospital si Yvonne?" Nang may malamig na mukha, binigyan siya ni Henry ng seryosong paalala. "W-Well ..." Ang ina ni Yvonne ay natawa ng alangan. "Ginawa ko naman. Ito ay isang gastric problem lang ‘di ba. Palagi siyang nagkakaroon ng ganitong problema. Magiging maayos lang ito basta kumakain siya sa tamang oras ng pagkain kasama ng ilang gamot." Tumayo si Yvonne sa tagiliran at hindi alam ang sasabihin. Ang kanyang pamilya ay palaging mas pinapanigan ang kanyang nakababatang kapatid. Noon pa nung bata pa siya, wala talagang nagmamalasakit sa kanya. Matapos ang maraming taon, matagal na siyang nasanay at hindi na talaga niya iniinda ito. “Inaasahan kong alam mo na ang madalas na mga problema sa gastric ay hindi magandang bagay, Mrs. Frey. Mahalagang ipacheck ito sa ospital." Matapos sabihin iyon, sumulyap siya sa relo niya. "Mayroon pa akong ibang mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Aalis na ako ngayon. Ipapadala ng assistant ko ang tseke mamaya." "Tayo na." Nang hindi hinihintay ang tugon ni Yvonne, hinawakan ni Henry ang braso niya. Ang paghawak niya sa kanya ay banayad pero madiin habang hinihila siya palabas ng bahay.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.

Terms of UsePrivacy Policy