Kabanata 1 Nagbabalik na Siya

Si Yvonne Frey ay nagkaroon ng isang bangungot. Sa kanyang panaginip, iniipit siya ng isang lalaki. "Umalis ka...Huwag mo akong hawakan!" Nagising bigla si Yvonne. Bumukas ang kanyang mga mata at nakita niya ang crystal chandelier na nakasabit sa kisame. Pamilyar sa kanya ang mga dekorasyon sa kwarto. Panaginip nga ba ‘yun? Tinaas niya ang kumot at agad na nabigla! A-Anong nangyayari! "Sue!" Dali-daling sinuot ni Yvonne ang kanyang damit at tumakbo pababa. Si Sue, ang kasambahay niya ay nagkataong naglilinis ng sala. Pinatay ni Sue ang vacuum cleaner at nagtatakang tumingin sa kanya. "Nandito po ako, madam. Ano po ang nangyayari?" “May nakita ka bang ‘di kilalang tao sa taas kaninang umaga? Sa palagay ko ... Sa palagay ko may pumasok sa kwarto ko!" Namutla si Yvonne. Hindi niya mapigilan ang panginginig nang maalala niya ang kanyang panaginip. "Isang ‘di kilalang tao?" Mabilis na inilapag ni Sue ang vacuum cleaner at naglakad papunta sa kanya. "Madam, sigurado ka bang hindi kayo namamalikmata? Maaga akong bumangon para maghanda ng agahan, pero wala akong nakitang wala sa lugar sa bahay." "Hindi, sigurado ako!" Iiyak na sana si Yvonne. “Sue, pwede bang sumama ka sa akin sa taas? Meron talagang tao dito! Meron… ” "Sue, wala na tayong throat lozenges. Bumili ka kapag may oras ka.” Ang tunog ng pagsara ng pinto ay biglang nagmula sa wine cabinet. Natigilan si Yvonne. Halos makilala niya agad ang may-ari ng boses na ito. Sa pagkabigla niya, inikot niya ang ulo niya at nakita ang isang lalaking nakasuot ng puting shirt na nagmula sa gilid ng kwarto na may hawak na isang bote ng red wine. Kaswal na itinuwid niya ang kwelyo ng shirt niya, at nasulyapan ni Yvonne ang kanyang nakakaakit na collarbone. Si Henry Lancaster ay kumuha ng isang baso at nagbuhos para sa sarili ng red wine na para bang hindi niya narinig ang pag-uusap nina Yvonne at Sue. "Kailan ka bumalik? Ba-Bakit ka nandito?! " Nanlaki ang mga mata ni Yvonne. Hindi niya inaasahan na makita siya sa oras na ito! Sa nagdaang tatlong taon, dalawang beses lamang silang nagkita. Ang unang pagkakataon ay sa araw ng kasal, at ang pangalawang pagkakataon ay ngayon. Pagkatapos ng isang matalim na paghinga, bigla niyang naalala na itong lalaki nga pala ang tunay na may-ari ng villa na ito. Hindi lang siya bumalik sa nagdaang tatlong taon, kaya unti-unti niya itong kinalimutan. “Ah! Ito nga namang memory gap ko." Sinampal ni Sue ang sariling noo, pagkatapos ay nahihiyang nagpaliwanag, “Madam, nakalimutan kong sabihin sa’yo na bumalik si sir kagabi. Sabi ko pa naman sa sarili ko na ipapaalam ‘to sa iyo nang mas maaga." "Kagabi?" Nagulantang si Yvonne nang napagtanto niya ang kaganapan. "Kagabi?! So ‘yung lalaking nasa panaginip ko kagabi...!” Oh my god! Ang taong nasa panaginip ko kagabi ay si Henry Lancaster! Antok na antok si Yvonne kagabi na akala niya panaginip ito! "Madam, baka po ‘yung ‘di kilalang tao na nabanggit mo kanina...ay si sir?" Napalingon sa tanong ni Sue. "Medyo antok pa kasi ako kanina, Sue." Si Yvonne ay nahihiyang tumalikod, hindi naglakas-loob na tumingin sa mukha ng lalaki. Nag-aasam ba ng parusa si Sue at tinanong niya iyon sa harap ng lalaki? Habang iniisip pa ni Yvonne kung paano sasagutin ang tanong, narinig niya ang kalmadong mga yapak na papalapit sa likuran niya. "Sue, bumili ka muna ng mga throat lozenges para sa’kin." Malalim ang boses ng lalaki at parang masungit mula sa paggising lamang. "Okay po, sir." Walang muwang sa sitwasyon, hinubad ni Sue ang kanyang apron at lumabas. Dalawa na lang sila na natira sa napakalaking sala. Ibinaba ni Henry ang kanyang ulo para tumingin sa babaeng nasa harapan niya. Naging maasim ang mukha ng lalaki nang makita niya ang kumikislap na mga mata ng babae na naghahanap ng daan para makatakas sa sitwasyon. Malinaw na narinig niya ang lahat ng sinabi nito kay Sue kanina. Malinaw na kinalimutan na rin ng babaeng ito na nag-eexist pa siya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.

Terms of UsePrivacy Policy