Kabanata 6 Pinagtsitsismisan Siya sa Kanyang Likuran

"Oo." Tumango si Henry na may sama ng loob sa kanyang makitid na mga mata. "Kung hindi nasiyahan si Mr. Hendrickson sa taong pinili ko, gusto mo bang ikaw na lang ang pumili?" Sa kabila ng napakaraming mga kababaihan na may heavy makeup pa, si Yvonne Frey lang ang nag-iisang pinaka kaaya-aya sa kanyang mga mata. "Hindi, hindi naman! Mr. Lancaster, masyado kayong seryoso! " Si Mr. Hendrickson ay hindi naglakas-loob na magsabi ng kahit ano. Mabilis siyang lumapit kay Yvonne. "Well Yvonne, ikaw ang magiging personal na secretary ni Mr. Lancaster. Tulungan mo siyang mabuti. Pwede kang lumapit sa’kin kung kailangan mo ng anumang tulong." "...opo sir," Natulala si Yvonne. Wala siyang ideya kung bakit siya pipiliin ni Henry bilang kanyang secretary. Siguro dahil mas madali para sa kanila na magtulungan dahil magkakilala na sila? Lihim niyang ninakaw ang isang sulyap kay Henry nang nagkataon ang lalaki naman ang umiwas ng tingin at pinunasan ang bakas ng emosyon sa kanyang mga mata. Kinausap niya nang kaunti ang mga executive sa tabi niya, pagkatapos ay nagbigay ng isang order sa kanyang malamig na tinig, "Mula ngayon, ang mga empleyado dito ay kinakailangang magbihis nang maayos para sa trabaho. Ayokong makita ang sinumang pumipinsala sa imahe ng kumpanya. "Kung hindi sila susunod, maaari silang mag-impake at umalis!" Dinaanan nng kanyang matalim na tingin ang mga babaeng empleyado na nakasuot ng revealing na damit. Takot na takot sila kaya agad nilang hinila ang kanilang mga collar collar para magtakip ng kaunti, sa takot na magalit nila ang bagong CEO at masisante pa. Sinabi ni Henry ang ilan pang mga salita kay Mr. Hendrickson bago pinangunahan ang mga executive sa likuran niya papunta sa conference room. Gumaan lang ang loob ni Yvonne nang magsara ang pinto ng conference room. ...... Sa halip na lumabas para sa lunch break, umupo siya sa kanyang kinauupuan at naghihintay para sa kanyang food delivery. Sa tuwing itinaas niya ang kanyang ulo nang bahagya, maririnig niya ang maraming mga puna sa paligid. Lahat sila parang nakadirekta sa kanya. Inalok sa kanya ni Lynette ang isang baso ng iced latte, saka ipinatong ang kanyang baba sa kanyang kamay. “Ang swerte mo, Yvonne. Ikaw ang magiging secretary ni Mr. Lancaster mula ngayon at makikita mo siya araw-araw. Bakit hindi ako magkakaroon ng parehong swerte tulad mo?" “Suwerte? Hindi naman nito binabago ‘yung katotohanang nagtatrabaho pa rin ako para sa iba. Isa pa, hindi ako pwedeng mag-petiks petiks sa paligid ni Mr. Lancaster. Kung gagawin ko yun, baka matanggal ako!” Kaswal na sumagot si Yvonne at hindi napansin na maraming tao ang biglang lumitaw sa labas ng opisina. Ang lalaking naglalakad sa harap ay pinakawalan ang kanyang kurbata, mukhang medyo pagod habang ipinakita sa kanya ng ilang executive ang daan patungo sa cafeteria. Gayunpaman, ang pansin ni Yvonne ay nasa iced latte sa kanyang harapan at hindi niya napansin ang kaguluhan sa likuran niya. "Bakit?" Si Lynette ay nagpatuloy sa pakikipag-chat sa kanya at hindi rin napansin ang anumang hindi pangkaraniwan. "Isipin mo - napakagwapo ni Mr. Lancaster. Ang pagtingin lamang sa kanya ay sapat na para mamotivate akong magtrabaho araw-araw." "Ano naman kung gwapo siya? Hindi naman ako mabubusog ng kagwapuhan. Mas gugustuhin kong magkaroon ng sampung baso ng iced latte." Marahan syang humirit. Bagaman si Yvonne ay ikinasal kay Henry Lancaster sa loob ng tatlong taon, dalawang beses lamang niya itong nakilala. Ni hindi nga siya ganap na gising nang una silang magtalik. Sakit lang ang naramdaman niya at wala nang iba. Sa lahat ng mga ito, walang sinabi si Henry Lancaster sa iced latte na hawak niya sa kanyang mga kamay. "Ikaw talaga ...!" Aakusahan na sana ni Lynette si Yvonne sa na binabalewala ang mga swerte niya sa buhay nang mapansin niya na may pumupunta sa likuran nila mula sa gilid ng kanyang mata. Inikot niya ang ulo niya at tumayo na gulat na gulat. “M-Mr. Lancaster! " Hmm? Lalagyan pa lang sana ni Yvonne ng straw ang inumin pero nanigas ang kanyang kamay nang bigla niyang marinig ang pangalan. Tumingin siya sa likuran at nakita ang isang lalaking naka-black suit na nakatayo sa likuran niya. Napatalim ang kanyang paghinga. Bakit siya nandito?! Talaga bang mayroon siyang ganitong oras sa kanyang mga kamay? Bumagsak ang malalim na tingin ni Henry kay Yvonne. Sa paghusga sa kanyang madilim na mukha, marahil ay narinig niya ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. "Nangangailangan ng ilang adjustments ang employee break time. Kahit na hindi sila kakain sa cafeteria, hindi nila kailangang manatili sa opisina kung makikipagdaldalan lang." "Na-Naiintindihan ko, Mr. Lancaster." Mabilis na tumugon si Mr. Hendrickson sa tabi niya. "Pag-iisipan ko po yan at titiyakin na ang aming mga empleyado ay may ibang paraan ng entertainment.” Pinandilatan niya si Yvonne. Bakit ba siya nakikipagchismisan dito sa halip na gamitin ang kanyang pahinga para kumain sa cafeteria?! Umalis na si Henry nang ibaling niya ulit ang kanyang ulo, kaya mabilis itong hinabol ni Mr. Hendrickson. "Naku!" Namutla ang mukha ni Lynette. "Lagot ka, Yvonne! Narinig ka siguro ni Mr. Lancaster! Nakita mo ba yung mukha niya ngayon lang?" "Hin…Hindi ko alam na nandoon siya eh." Ngumiti ng marahan si Yvonne, nawawala ang pagnanasang uminom ng iced latte sa harapan niya. “Lyn, pwede mo ba akong tulungan na kunin ang takeout ko mamaya? Kailangan kong tapusin yung natitirang mga dokumento." Kinuha niya ang kanyang gamit at umalis, malinaw na may kamalayan na malamang siya ay yari sa boss niya! Para sa isang tulad ni Henry Lancaster, imposibleng hindi siya magalit matapos malaman ang mga komento ni Yvonne tungkol sa kanya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.

Terms of UsePrivacy Policy