Kabanata 73 Turuan Mo Ako Mag-Ski

“Okay lang talaga ako.” Agad na itinago ni Yvonne ang mga gamot at tumayo mula sa kama. “Tara na, hindi pa ba tayo maghahapunan?” “Oo nga pala, muntik ko malimutan. Tara!” Kinuha ni Lynette ang kanyang bag; Nakahanap ng mauupuan si Yvonne sa hotel lobby, lumingon-lingon siya para tingnan ang paligid, sinusubukan niyang hanapin kung saan nakaupo si Henry. Subalit, nadismaya siya nang makitang wala doon ang lalaki. “Anong hinahanap mo? Parang manibela ‘yung ulo mo sa pag-ikot,” Naglagay si Lynette ng isda sa plato ni Yvonne. Tumingin si Yvonne sa kanyang kaibigan, “Hinahanap ko si Mr. Lancaster!” Biglang nanginig ang kamay ni Lynette, “Ano? Bakit mo siya hinahanap?” Noon lang napagtanto ni Yvonne na nasabi niya ang dapat ay nasa isip lang niya. Kinagat niya ang kanyang labi at makikita ang pagkataranta sa mukha niya, “Ah.. eh.. gusto ko lang sana siyang pasalamatan dahil grabe ang nagawa niya para sa akin ngayong araw.” “Sabagay,” tumango si Lynette nang walang halong

Naka-lock na chapters

I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content

I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser

Mga Kasosyo

Dramabox

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.