Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 2290

“Sinabi ni Bonnie na bumalik ka?” Ang agad na sinabi ni Luna, nakakunot ang noo niya nang marinig niya ang sagot ni Christopher. “Paano nangyari ‘yun? Christopher, alam mo ba ang sinasabi mo?” Nasa coma si Bonnie ng dalawang araw na. Nang tawagan nila Jim at Rosalyn si Christopher kahapon, nakahiga na si Bonnie sa kama at wala na siyang kakayahan na magsalita o gumalaw. Nagdesisyon siguro si Christopher para suwayin si Rosalyn at bumalik ng Merchant City ng palihim, ngunit sinabi niya na si Bonnie ang nagsabi sa kanya na gawin ito. Imposible ito! Nawala ang awa ni Luna para kay Christopher pagkatapos malaman ang kung anong klase ng tao si Christopher. “Hindi namin kailangan maniwala sa sinasabi mo. Kung ayaw mong maging tapat sa amin, walang punto para sayangin mo ang oras namin.” Noong una, hindi makapag desisyon si Luna kung dadalhin niya si June o Harvey para bisitahin si Christopher, pero nakapag desisyon na siya, napagtanto niya na isang baliw si Christopher na hirap makipag usap. Akala ni Luna ay kaya ni June na pabalikin si Christopher sa sarili nito… Pagkatapos, huminga ng malalim si Luna at umalis siya habang hawak niya ang kamay ni Joshua. “Tara na.” Inaasahan na ni Christopher nang magreakt si Luna, at ngumiti siya ng mapait bago siya lumingon para tumingin kay Joshua ng mapanglait. “Hindi ba’t sinabi mo na paniniwalaan mo ang kahit anong sabihin ko sayo? Sinabi ko na sayo, pero hindi ka pa rin naniniwala?” Nawalan ng pasensya si Luna at kumunot ang noo niya habang nakatingin siya kay Christopher. “Ito ba ang katotohanan? Sa tingin mo ba ay paniniwalaan namin ‘yun?” Sa katotohanan lang, maniniwala si Luna kay Christopher kung may saysay ang sinasabi nito. Ngunit, sa puntong ito, ang tanging naiisip ni Luna ay nahihirapan si Christopher na bitawan si Bonnie at gusto niya itong makita, kahit ano ang mangyari. Hindi mahirap aminin ang katotohanan, ngunit bakit kailangan magsinungaling ni Christopher? Baka hindi maintindihan ng iba ang pagmamahal ni Christopher para kay Bonnie, ngunit naiintindihan ito ni Luna. Kaya naman, hindi naiintindihan ni Luna kung bakit kailangan magsinungaling ni Christopher. Hindi ito kayang gawin ni Bonnie, ngayon at nasa isang coma siya. Kumunot ang noo ni Joshua habang hinawakan niya ang kamay ni Luna, sumenyas siya na tumigil na si Luna. “Christopher, sinabi mo na si Bonnie ang nagsabi sayo na pumunta. Pwede mo ba sabihin sa amin kung paano ka tinawagan ni Bonnie?” “Nagsend siya sa akin ng email.” Huminga ng malalim si Christopher at hinawakan niya ang bulsa niya, ngunit wala itong laman. Tumahimik siya ng ilang sandali at nilabas niya ang kamay niya. Pagkatapos ay tumitig siya kay Joshua, may napagtanto siya. “Nakalimutan ko. Kinuha nila ang phone ko nang dalhin nila ako dito. Pwede niyo itong kunin mula sa hospital administrator at tingnan niyo ito.” Umupo siya ng mas komportable sa likod ng pader. Ang mga mata niya ay puno ng panunuya, tumingin siya kela Luna at Joshua, “Nakatanggap ako ng tawag mula kay Jim, at sinabi niya na tinurukan ng gamot si Bonnie at kailangan ng agad na tulong ko. Sa totoo lang, pagkatapos ng pag uusap namin, magulo ang isip ko. Pagkatapos namin mag usap, hindi ako nagdalawang isip at nag empake na ako para bumalik.” “Bago ako matapos sa pag eempake, tumawag si Aunt Rosalyn. Gusto niyang manatili ako sa Lincoln City at sinabi niya na wala namang problema kay Bonnie, na kaya niya na ito at hindi ako pwedeng bumalik.” “Hindi ko sana pinansin ito kung may ibang tao na nagsabi sakin nito, pero iba si Aunt Rosalyn. Wala akong intensyon na bumalik pagkatapos niya itong sabihin sa akin, kaya kinansela ko ang ticket at binalik ko ang mga gamit ko. Plano ko na manatili sa Lincoln City para magpatuloy sa paggawa ng gamot para bumalik ang mga alaala ni Jim…” Huminto siya at ngumiti siya ng mapait. “Pero nitong umaga, nakatanggap ako ng email mula kay Bonnie.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.